Advertisers
LUMOBO na sa 145 ang naiulat na bilang ng mga nasawi dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm Kristine at Bagyong Leon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkoles.
Sa ulat ng NDRRMC, 37 katao rin ang nawawala habang 115 iba pa ang naitalang nasugatan.
Nakaapekto rin sina Kristine at Leon sa kabuuang 7,033,922 katao (1,788,630 pamilya) sa 17 rehiyon, karamihan sa kanila sa Bicol na may 2,343,175; sinundan ng Central Luzon, 1,061,766; at Calabarzon, 752,793.
Sa mga apektadong populasyon, sinabi ng NDRRMC na 333,951 katao (86,565 pamilya) ang nananatili sa mga evacuation center habang 427,059 katao (91,307 pamilya) ang sumilong sa ibang lugar.
Samantala, tinatayang nasa P2,838,568,103 ang halaga ng pinsala sa agrikultura at P3,617,943,026 sa imprastraktura.
Ayon din sa NDRRMC, umaabot na sa P850,617,776 ang naibigay na tulong sa mga biktima ng dalawang bagyo sa ngayon.