Advertisers
Nasawi ang 47-anyos na misis nang ayaw nitong sumamang umuwi nang sunduin ng mister sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan.
Ayon sa ulat, parehong residente ng Basista, Pangasinan ang mag-asawa.
Sa report, matapos na uminom ng alak ang salarin, pinakiusapan nito ang isa niyang pamangkin na isakay siya papuntang Uribiztondo para sunduin ang kanyang misis na nagbibilad ng palay kasama umano ang hinihinalang lalaki nito.
Nang makarating ang salarin sa naturang lugar, pilit niyang kinumbinsi ang kanyang misis na umuwi na ng bahay nila ngunit tumanggi ito.
Dahil dito, nagalit ang salarin at saka sunod-sunod nitong pinagsasaksak ang biktima.
Mabilis na tumakas ang salarin ngunit agad din nahuli sa ikinasang follow-up operation ng mga awtoridad.
Isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.