Advertisers

Advertisers

Groundbreaking ng Progreso Village, isinagawa sa Valenzuela

0 70

Advertisers

SISIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang pagpapatayo ng Phase 1 ng Progreso Village, isang pangunahing proyekto sa pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr, kasunod ng isinagawang groundbreaking ceremony nito sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian.

Ang flagship initiative, na idineklara sa ilalim ng Executive Order No. 34, ay isang pagtutulungan sa pangunguna ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), National Housing Authority (NHA), Pag-IBIG Fund, at ng pamahalaang lungsod, na naglalayong magbigay ng marangal at abot-kayang pabahay para sa mga residente ng Telecommunications Office (TELOF) na matatagpuan sa Tampoy, Barangay Marulas na may lawak na 20,008-square-meter property na itinalaga sa ilalim ng pagmamay-ari ng gobyerno na dating ginamit ng TELOF, ay dumaan sa ilang hamon, kabilang ang mga insidente ng sunog. Orihinal na nakalaan para sa mga layunin ng istasyon ng radyo sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 451 noong 1953. In 1996, sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 770, ang ari-arian ay binuksan para sa disposisyon para sa mga opisyal, empleyado, at bonafide occupants ng TELOF.

Ang Phase 1 ng proyekto na ito ay bubuuin ng dalawang eleven–storey buildings na magkakaroon ng 340 units, bawat isa ay may sukat na 27.50 square meters, may siyam na gusali na may kabuuang 1,530 units na mayroon central park, parking facilities, streetlights, at sewerage treatment plant, guard houses, at concrete perimeter fencing.



“Ang araw na ito ay makasaysayan hindi lamang para dito sa TELOF, kundi para sa buong lungsod, dahil for 28 years, ngayon natin masasabi na tuloy na ang proyektong ito. Tatlong sunog po ang pinagdaanan nito kaya naman ang araw na ito ay simbolo ng katuparan ng ating mga pangarap. Maswerte po tayo dahil ang Marulas ay isa sa mga napiling lokasyon ng 4PH, kaya naman tatawagin natin itong Progreso Village, dahil ang bagong bahay ay simbolo ng ating progreso sa buhay,” pahayag ni Mayor Wes.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">