Advertisers
Ni Rommel Placente
SPOTTED si John Estrada na pumasok sa isang bar na may kasamang foreigner na babae at makikitang nakaakbay pa ang una sa huli.
Ang post ay uploaded sa Facebook na may username na Keken Quiñonez. Naka-all white pa ang dalawa at kitang-kita na nagtatawanan.
Kasunod niyan ang isa pang clip na magkatabi at nag-uusap sila sa may bar area.
Ang viral video ay umani na ng mahigit 3million views.
Halo-halo rin ang naging reaksyon ng netizens, na kung saan marami ang bumatikos kay John, habang ang iba ay pinuri ang kagandahan ng kasama niyang babae.
Narito ang reaksyon mula sa netizens.
“Babaero talaga tsk tsk kelan kaya ‘to makakarma?”
“Tumatandang walang pinagkatandaan. May kilala akong ganyan.”
“Feeling binata ang lolo”
“Ang ganda ng bagong partner niya [happy face with heart eyes emoji]”
“Sakit niya na yan jusko naka ilang matitinong babae na siya…Hahaha pagtanda nyan saka niya maiisip yan…nakakahiya sa mga anak niyang babae.”
“Grabe ganda ng babae ni Rigor baka magselos si Lena tsaka si Marites [laughing emoji]”
***
SI Enzo Pineda ang lead star ng advocacy film na Abner, na mula sa direksyon ni Neil Buboy Tan at produced ng Agape Entertainment Producer.
Sa nasabing pelikula ay gumaganap si Enzo bilang isang matino, matulungin at mabait na guro sa kanyang mga estudyante na nakatira sa bundok. At para mas lalong matuto ang mga ito ay salitang English ang ginagamit nila.
Sa tanong kung nagkaroon ba si Enzo ng mga challenges or struggles habang ginagawa ang Abner, lalo na at teacher ang ginagampanan niya na Ingles nang Ingles, ang sagot niya, “Oo,definitely it was a challenge for me, kasi napakahaba po ng mga linyahan, dialogues at monologues.
“Ako, ginawa ko itong movie na ito, hindi lang po ito para sa akin, kundi para po sa mga teachers and students. At para po mas lalo silang ma-inspire, to keep pursuing their dreams at ‘yung mga adbokasiya po ng teachers.
“Sa totoo lang po, ‘yung mga teachers po natin, unsung heroes po sila, eh. So, they don’t really get the payment they deserve. And I hope thru this movie, will be the starting point para mas mabigyan pansin po sila,” aniya pa.
Papasukin na rin ni Enzo ang pulitika. Tumatakbo siya bilang konsehal sa District V ng Quezon City.
Si Enzo ay gumagawa ng mga sexy films. Kung sakaling mananalo, titigil na ba siya sa paghuhubad?
“Siguro po ngayon, hindi na! Hindi na po papayag ang mommy ko, at ang boss ko, si Michelle (Vito, girlfriend niya).
“So, roon na po tayo sa path na tinatahak ko ngayon,” sagot niya.
Ipinaliwanag naman ni Enzo kung bakit sumabak din siya sa paggawa ng sexy films noon.
“Ako naman kasi, as an actor, mga phases po `yan, eh. For me, acting is all about life, at ako, noong 2 years ago, gusto ko talagang i-explore ang range ng acting ko, kung kaya ko ba ang mga ganitong klaseng role, na sexy, o daring talaga, and I don’t see anything wrong about it, kasi mas gagaling kang umarte kapag open ka sa iba’t ibang klaseng karakter, na hindi mo nililimitahan ang sarili mo,” paliwanag pa niya.
Showing na sa November 6 ang Abner. Ang aming kaibigan na si Aries Soriano ang line producer ng pelikula.
Kasama rin sa Abner sina Rosanna Roces, Mygz Molino, Jeff Francisco, Kiko Antonio, Lucas Leonardo, Bien Athea Dolfo at Cristian Jay So.