Advertisers

Advertisers

Ilantad si “Mary Grace Piattos”, etc., hamon ng Akbayan kay VP Sara

0 22

Advertisers

‘Mary Grace Piattos’, sino ba ang aleng ito at siya’y pinaluluntang ng grupong Akbayan Partylist? Isa bang fictitious person si Mary Grace Piattos? Isa ba siyang panaginip? Teka o di kaya isang paboritong kinakain kapag manood ng pelikula o sa telebisyon? Piattos e.

Well, magkakaalam ito kung tatanggapin ni Vice President Sara Duterte ang hamon sa kanya ng grupong Akbayan na kinabibilangan ni Atty. Chel Diokno bilang first nominee ng partido.

Ba’t ano ba’ng hamon ng Akbayan kay VP Duterte? Hayun, pinalulutang lang naman nila kay Madame VP si “Mary Grace Piattos,” na sinasabing ‘ the purported signatory in one of the deficient receipts submitted by the Office of the Vice President (OVP) to justify its controversial use of P125 million in confidential funds.



Oh I see, isa palang makontrobersiyal si ‘Mary Grace Piattos’… at may kinalaman pala siya sa kinokuwestiyon sa intelligence fund ng OVP.

“Mary Grace Piattos sounds like a bad joke, but the misuse of public funds is no laughing matter. Ang daming naghihirap tapos mukhang ginawa pa nilang kakatawanan ang pagnanakaw sa kaban ng bayan. Dapat magpaliwanag ang Bise Presidente sa taumbayan. Iharap niya si Piattos at iba pang chichirya personalities, at hayaang lumabas ang katotohanan,” saad ni Diokno.



Kamakailan, sa pagdinig sa Kongreso, ibinunyag ng ilang mambabatas ang mga kuwetiyunableng acknowledgment receipt na isinumite ng OVP, kung saan nakapangalan sa mga sumusunod “Nova,” “Oishi,” “Tempura,” at inisyal na “AAS” at “JOV.”

Dahil sa pagkakaiba (discrepancy) naging kaduda-duda tuloy ang pagkalehitimo ng paggamit ng OVP sa kanilang confidential fund. Nag-alok pa ang mga mambabatas ng cash reward para sa sino man makapagbahagi patungkol sa pagkatao si Piattos.



“The Filipino people deserve more than snack brand pseudonyms and empty receipts. We demand answers, accountability, and reforms. Vice President Duterte must face the music. Hiding behind defective documents and fictional characters will not make this issue go away,” dagdag ni Diokno.

Binigyan-diin pa ng Akbayan na ang malakihin kontobersyal ay nakaapekto sa pangkalahatan sa paggamit ng confidential funds.

“Confidential funds, by their nature, require utmost integrity and transparency in their disbursement. The OVP’s case proves how these funds can be abused without proper safeguards. It is time to legislate stronger mechanisms to prevent their misuse,” pahayag ni Diokno.

Bunga ng pangyayari, nananawagan ang Akbayan Partylist para sa pagbuwag sa confidential funds sa lahat ng civilian agency at sa halip ay suportahan o ilaan ang pondo sa mga kritikal na sektor tulad ng education, healthcare, at national security.

E, sino nga ba si ‘Ms. Chippy’ este ‘Ms Piattos’? Nasaan ba ang aleng ito? Hehehe… Lumantad na ka na kasi para mabigyan linaw sa taumbayan ang lahat hinggil sa kinukuwestiyon paggamit sa confidential fund ng OVP o opisina ni VP Sara.

Matatandaan, bilang bahagi ng panig ng OVP hinggil sa kinukuwestiyong confidential funds, anang tanggapan ni Madame VP Sara…bakit ang natatanging opisina ng Bise Presidente ang kinukuwestiyon lang sa paggamit ng confidential funds samanatalang, halos lahat ng opisina ng lider ng bansa ay may confidential funds.