Advertisers

Advertisers

Konsi Bong Marzan, ipinagmalaki ang Manila bilang 3rd largest economy sa NCR sa ilalim ni Mayor Honey

0 13

Advertisers

VERY proud si Asenso Manileño candidate for Councilor sa District IV na si Konsi Bong Marzan sapagkat ang kabisera ng bansa ang pangatlong lungsod sa National Capital Region (NCR) na may pinakamalakas na ekonomiya at ito ay sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Honey Lacuna.

Nabatid kay Marzan na may Masters Degree mula sa Asian Institute of Management (AIM) na naabot ng Maynila ang napakataas na Gross Domestic Product (GDP) na halos P1trilyon base pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Konsi Marzan, sa ilalim ng administrasyon ng kauna-unahang lady mayor ng Maynila ay nakapagtala ng GDP na P987.89 bilyon ang lungsod at ito ang pangatlo sa may pinakamalakas na ekonomiya NCR.

Ayon pa kay Konsi Marzan, ay sinabi ng alkalde na ang malakas na ekonomiya ay bunga ng pagtutulungan sa city government, gayundin ang maraming trabaho at negosyo sa lungsod.

“Kay Mayor Honey na mismo nanggaling na sa kabila na halos panay Micro Small Medium Enterprises (MSME) at tradisyunal na retail at services activities ay nakamit pa rin ng lungsod ang halos P1 trillion economic output. Kapuripuri po ang ating alkalde dahil bukod sa isa siyang propesyunal na doktor ay may kaalaman din siiya sa ekonomiya,” saad ni Marzan.

Naniniwala si Konsi Bong Marzan na sa kahit maliit lamang ang isang negosyo at may malaking ambag ito para matamo ang mataas na GDP.

Gayundin ang pagkakaroon ng maraming trabaho sa Maynila ay isang factor kaya lumakas ang ekonomiya ng lungsod. Kaya naman napapanahon ang mga isinagawang libreng seminar at training ni Marzan sa V. Mapa Highschool.

Nagkaloob si Konsi Marzan ng libreng haircut at barbering seminar sa mga kabataan ng gustong matuto ng paggugupit ng buhok na barbero style.

Ayon kay Marzan magandang kaalaman at kasanayan ang paggugupit ng buhok dahil sa in-demand ito bilang trabaho. Ang iba naman dahil ayaw mamasukan ay sila na mismo ang nagtatayo ng sarili nilang barbershop. Dito aniya pumapasok yung micro, small and medium enterprise. (ANDI GARCIA)