Advertisers

Advertisers

Operasyon ng droga at mga sugal humahataw… RIZAL PD COL. MARAGGUN ‘INUTIL’ LABAN KINA YAP, SOLA AT ‘BOY NO LIFE’!

0 1,114

Advertisers

SA halip na mabawasan ay lalo pang dumami ang mga gambling den na prente ng kalakalan ng droga sa lalawigan ng Rizal, taliwas sa pangako ni Philippine National Police (PNP) Provincial Director, Colonel Felipe B. Marragun, na reremedyuhan ang lumalalang suliranin laban sa kriminalidad sa lalawigan. 

 

Ayon sa citizens anti-crime and vice crusader group, bigo ang Federal Bureau of Investigation (FBI) Academy, Virginia, USA graduate sa kanyang hangarin na mabago ng kanyang brainchild na anti-crime strategy na Enhanced Managing Police Operations (EMPO) at mapabuti ang sitwasyon pangkatahimikan sa lalawigan ni Rizal Governor Nina Ricci Ynares.



 

Sa ilalim ng EMPO, layon ng natapos din sa PNPA “Buklod Diwa” Class 2001 na Col. Maraggun na palakasin ang kampanya laban sa kriminalidad sa Antipolo City at 13 bayan ng probinsya sa pamamagitan ng pagpapaigting ng patrol operation.



 

Sa ilalim ng pamumuno ni Col. Marragun, bawat miyembro ng kapulisan ay may responsibilidad na bantayan at pangalagaan ang kanilang mga mamamayan sa komunidad na harapin at hadla-ngan ang krimen.



 

Pinuna ng grupong Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) sa Region 4A na wala ring magandang epekto ang pinasiglang patrol operation ng mga pulis ni Col. Maraggun, pagkat mas marami sa mga ito ay “pipi, bingi at bulag” at hindi umaaksyon sa nagkalat na kailegalan sa kanilang hurisdiksyon.

 

Isiniwalat din ng naturang civic spirited group na talamak ang operasyon ng Perya ng Bayan (PnB) bookies ng isang alyas John Yap sa 13 bayan at sa siyudad ng Antipolo kungsaan ang operator nito ay nagmamantine ng safe house na nagsisilbing re-bisahan ng taya sa PnB bookies o jueteng na binobola ng tatlong beses kada araw.

 

Milyones ang kubransa ng taya sa PnB bookies ni John Yap, gayundin sa lotteng ng isang Sola na napasok narn ng operasyon nito ang lahat na bayan at siyudad sa Rizal.

 

Ang malalaking rebisahan ng taya ng pa-lotteng ni Sola ay sa mga bayan ng Cainta at Taytay. Kalahati ng kinikita nina alyas John Yap at Sola ay naibubulsa naman ng ilang police protectors sa Rizal Provincial Police Office at Antipolo City Police Office.

Ibinunyag din ng MKKB ang operasyon ng kunwari ay mini carnival o tradisyunal na peryahan, ngunit sa halip na libangan ang naroroon ay ang dinudumog ng mga nakatatanda at maging ng mga menor de edad, kabilang na ang mga high school student, ay ang sugal na color games, beto-beto, drop balls, cara y cruz at maging ang napakadayang “didal”.

 

Ang matindi pa nito, ayon sa MKKB, ay nagbebenta rin ng shabu ang mga empleyado at batos sa mga pasugalan sa naturang pergalan (perya na pulos sugalan).

 

Tinukoy ng naturang civic group ang mga nabanggit na pergalan na ino-operate ng magdyo-wang “Boy No Life” at Eve sa tabi ng Catholic Church, malapit sa municipal hall ng Tanay na pinopostehan ng isang Elvie.

 

Bukod sa bayan ni Tanay Ma-yor Rafael Tanjuatco ay nag-o-operate din ng mga sugalan na may bentahan pa ng shabu sina Boy No Life at Eve sa mataong Sumulong Street, munisipalidad ni Angono Mayor Jeri Mae Calderon.

 

Liban pa sa operasyon ng mag-partner na ilegalista sa Tanay at Angono ay nag-o-operate din ng pergalan na may shabuhan sina Daisy at Mario sa Brgy. Muzon at C6 sa bayan ni Taytay Mayor Allan De Leon; Tomboy sa harap ng dating sementeryo sa Morong; Roa sa Riverside sa Rodriguez; at Elmer sa malapit sa barangay hall ng Sampaloc, Tanay.

 

May sangkaterbang devil machine o video at fruit games pa na nakalatag ang tahirang ilegalistang si Roa sa halos lahat na barangay ng Tanay.

Nagmumukhang inutil naman sina Antipolo City Police Chief, Lt Col. Ryan L. Manongdo; Tanay COP LtCol. Norman Ca-s-oy; Angono Police Chief LtCol. Ariel Azurin; Taytay Police Chief LtCol. Gaylord Ragala; Rodriguez Police Chief LtCol. Arnulfo Silencio at iba pa sa mga iligalista sa kanilang erya.

 

Hindi ganito katalamak ang problema sa mga sugalan na prente ng bentahan ng shabu sa lalawigan ng Rizal bago pinalitan ni Col. Marraggun si dating Rizal PD Col. Dominic Baccay. (CRIS A. IBON)