Advertisers

Advertisers

Super Mahra bumaba sa laylayan para alamin ang kalagayan ng masa

0 58

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

HINDI man pinalad manalo noong 2022 elections bilang konsehala sa ikalimang Distrito ng lungsod ng Maynila ay nag-ikot pa rin si Super Mahra Tamondong upang mag-abot ng tulong sa mga kapuspalad na mamamayan ng kanyang distrito.

Pagbabalik-tanaw ni Mahra, “Yung mga umupo po na sa city hall, right after po ng kanilang oath taking, saka lang po ako na magdesisyon na magkaroon ng outreach.



“Kasi in respect lang po dahil ayoko namang sabihin nila na nanalo na nga sila, nandiyan na sila, bababa pa ako, so hinintay ko po yung right time, in respect lang po sa kanila.

“Pero iyan po ay ginawa ko dahil nga nung ako po ay nangangampanya nung huling election, yung mga kabataan pag dinadaanan ko umiiyak talaga sila, so ako po naaantig yung damdamin ko na hinahanap po ako ng mga bata.



“So dun po ako nagdesisyon na ako po ay tumulong kaagad sa mga kabataan po sa Maynila.”

And take note, dahil hindi nga siya nakapuwesto, sariling pera mula sa kanyang bulsa ang ipinangtutulong ni Mahra mula noong 2022 hanggang sa kasalukuyan!



At sa eleksyon sa isang taon, muling susubukan ni Mahra ang kanyang kapalaran, this time bilang mayoralty candidate sa lungsod ng Maynila pa rin.

Isa sa mga adbokasiya ni Mahra ay ang pagsuporta at pagtulong sa mga senior citizen sa pamamagitan ng dalawang libong pisong ayuda buwan-buwan, libreng gamot at maintenance medicines at pagkonsulta sa mga ospital sa kalakhang Maynila at marami pang iba.

At walang pangamba o pangingilag si Super Mahra kahit mga literal na “higante” ang sasagupain niya sa 2025 May elections dahil ang mga makakalaban niya ay ang incumbent Manila City Mayor Honey Lacuna, former Manila City Mayor Isko Moreno, ang aktor na si Raymond Bagatsing na nagmula sa angkan ng mga pulitiko, at si Sam Verzosa na tulad nina Super Mahra (at Raymond) ay unang beses tatakbo bilang alkalde.

Lahad ni Super Mahra, “Ang masasabi ko lang po diyan lahat po tayo ay may karapatan.

“Lahat po tayo ay pantay-pantay lalo na yung pagtingin po natin sa tao ay pare-parehas,” pahayag ni Mahra.

“Gusto ko din pong makatulong katulad ng gusto nila, iyon lamang ako po ay bumaba sa laylayan, dito po sa masa, dito po mas higit kong nakita na wala naman pong masama kung ipaglaban ko yung mga kababayan ko na Manilenyo.”