Advertisers

Advertisers

John nalungkot nang maligwak sa MMFF ang pelikulang ‘Idol’; Regine tanggap na wala na sa panahon ang career

0 14

Advertisers

Ni Rommel Placente

SA pamamagitan ng TikTok video nitong Huwebes, November 21, pinaalalahanan ni Regine Velasquez ang kanyang mga tagahanga na huwag sumama ang loob hinggil sa mga kumakalat na chikang lipas na raw ang panahon niya sa larangan ng pagkanta.

Sabi ni Regine,”Don’t panic, don’t be upset, it’s not a bad thing. I’m just being realistic because it’s true. It’s no longer my time. That means I can no longer compete with the young ones.



“Come on, I’m 54 years old. I have been in the industry for almost 40 years and I have been singing all my life. And the truth is, even if I still can compete, I really don’t want to anymore.”

Dagdag pa niya, “Galing akong singing contest and half my career, feeling ko, kailangan ko mag-compete kasi ine-establish ko ‘yong sarili ko. I don’t wanna do that anymore.”



Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naging bukas si Regine patungkol sa kanilang career.

Noong May 2024 ay naibahagi niya na madalas nilang pag-usapan ng asawang si Ogie Alcasid ang tungkol sa possibility na mawala sa panahon ang kanilang boses na tanggap naman nila kung mangyayari.



Matatandaan ding viral ngayon si Regine matapos kalampagin ng fans nito ang artcard ng MYX Global kung saan makikitang ibinaba ang billing ni Regine na malaki na ang naambag sa music industry.

***

SI John Arcenas ang gumaganap na April Boy Regino sa biopic ng namayapang singer titled IDOL: The April Boy Regino Story, mula sa Premiere WaterPlus Productions at executive producer na si Marynette Gamboa,at sa direksyon ni Efren Reyes Jr.

In fairness, baguhan pa lang sa larangan ng pag-arte si John, pero ang husay niya sa naturang pelikula. Ramdam na ramdam namin ang emosyon niya nu’ng nagkasakit ng malala at nabulag.

Ikinwento ni John na nu’ng nagsu-shoot sila ng IDOL, sinaniban siya ni April Boy.

“Alam n’yo po, may kuwento po ako. Nag-shoot po kami sa mismong bahay ni April Boy Regino sa Marikina po. Sa mismong kuwarto niya po, doon po kami nag-shoot,” simulang pagbabahagi ng aktor.

Dagdag niya,”Tapos, may isang eksena po doon na pinasuot po sa akin yung totoong damit ni April Boy Regino.

“So habang sinu-shoot po ‘yon, talagang kinikilabutan ako. Nilalamig po talaga ako literal. And yun po, sabi po nu’ng kasama po namin na aktres, si Tita Irene Celebre, na hindi niya nakikita si John Arcenas.

“Kita lang niya mismo si April Boy Regino, and kinikilabutan siya,” aniya pa.

Mga damit din daw talaga ng OPM legend ang ginamit ni John sa movie at sukat na sukat ang mga ito sa kanya.

Isasali sana ang IDOL: The April Boy Regino Story sa 50th Metro Manila Film Festival pero hindi ito pinalad mapili.

“Sa akin po, okay naman po kung saan po mapunta yung pelikula,” reaksyon ni John.

“Kasi siyempre unang-una sa lahat, ipinasa-Diyos ko na kung saan mapunta, talagang naniniwala po akong may plano,” aniya pa.

Pero aminado ang alaga ng aming kaibigang si Tyrone Escalante na kahit papaano ay nalungkot siya sa hindi pagkakapili ng kanilang pelikula sa MMFF 2024.

Sa tanong kung ano ang pinakamahirap na eksena ni John sa IDOL, ang sagot niya,”“Ang pinaka-challenging na eksena po sa akin dito is yung nagalit siya sa Diyos.

“Nagkasakit na po siya, kasi grabe po ‘yung sakit niya e, tatlong sakit yung nakuha niya, very, very emotional.

“Tapos, yung preparation ko din po dun, nag-workshop po ako, nag-personal workshop pa din po ako para gusto ko pong ma-achieve kung ano yung gustong sabihin nung eksena.”

Si Kate Yalung ang gumaganap na asawa ni John sa pelikula bilang si Madelyn Regino.