Advertisers
Ni Jimi Escala
KALAT na ang tsikang nakatakdang mamaalam sa GMA station ang ABS-CBN- produced noontime show na “It’s Showtime.“
Pero from a source ay wala umanong katotohanan na ang TAPE Inc. na dating producer ng “Eat Bulaga” ang gagawa ng isang noontime show kapalit ng “Its Showtime “ at makakatapat ng “EB”.
But may mga nakaplano nang gawing shows pa rin for GMA 7 ang TAPE INC. kung saan si Ms. Malou Choa Fagar ang namamahala.
Well, anyway marami tiyak ang malulungkot sa avid televiewers ng “ Its Showtime “ kapag tuluyan nang mawawala sa Siyete ang paborito nilang noontime show, na ayon sa tsika ay hanggang sa December 2024 na lamang mapapanood ang show hosted by Vice Ganda and co.
Gayunman, hindi raw dapat malungkot nang tuluyan ang mga Ito dahil tuloy pa rin naman at mapapanood pa rin ang ”It’s Showtime sa A2Z, Kapamilya Channel, at ALL TV, huh!
Malalaman sa mga susunod na araw ang katotohanan tungkol sa balitang ang TiktoClock ang ipapalit sa timeslot ng maiiwanan ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime sa GMA-7.
Inaasahan namang maglalabas ng opisyal na pahayag ang GMA Network Inc. management hinggil dito, huh!
***
SI Sir Bryan Dy ang pasimuno kung bakit nabuo ang pelikulang “Uninvited” para sa 50th anniversary of the Metro Manila Film Festival.
Siyempre, ang Mentorque niya ang main producer ng pelikulang “Uninvited,” kung saan mga bida ang Star for all Seasons Vilma Santos kasama sina Aga Muhlach, Nadine Lustre at marami pang iba.
Ayon kay Sir Bryan, masyadong malaki raw ang ginastos nila para mabuo at matapos ang movie in time for the 50th Metro Manila Film Festival, huh!
Katwiran pa ni Bryan Dy ang makagawa raw ng makabuluhang pelikula na tiyak magugustuhan ng mga manonood ang nais niyang maging tatak ng movie outfit nila, huh!
“Well, I’m really fortunate that every organization, company, and person na tinap namin to do this film, lahat naman sila nag-yes. We’re very fortunate of that. Kung expensive? Definitely. The Filipino audience deserves this type of caliber ng pelikula,” sey pa ng producer ng “Mallari” na naging entry rin ng Mentorque sa nakaraang MMFF.
Ipinagmalaki naman ni Bryan Dy na family friend nila ang mga Recto and when in fact naging trusted employee siya ng pamilya ni Ate Vi for many years kaya isang dream project niya ang “Uninvited “ with the Star for all Seasons na bida sa pelikula, huh!
“Itong pelikulang ito, never namin naisip na magkakatotoo. Kami ni Ate Vi, nung nag-uusap kami, she just wanted to create a film. Ako naman, gusto kong gumawa ng pelikula na ibibigay namin ang lahat. We were able to submit sa MMFF. Natanggap,” sabi pa ni Sir Bryan.
Dagdag pa na very young producer na sobra raw ang suporta na ibinigay sa kanya ng pamilya ni Ate Vi.
“Very supportive sila. They just empower you. Matagal ko na silang mga boss. Very supportive si Sen. Ralph at sabi niya nga to keep myself sane kasi baka raw umay na umay na ako sa politics. May personal po akong relasyon sa kanila. Halos doon na po ako sa kanila lumaki,” pag amin pa ng producer.
Happy naman si Bryan sa naging resulta ng kabuuan ng pelikulang “ Uninvited “.
“It’s overwhelming. The pressure is on. The other entries are really good too so we have to up our game. Ang lalim ng pelikulang ito. Nakita niyo ‘yung grandness. When you watch the film, makikita niyo kung gaano kalalim. Marami siyang sasabihin at marami siyang sinasabi,” pagmamalaki pa niya.