Advertisers

Advertisers

Regine binalahura sa poster ng ABS-CBN

0 31

Advertisers

Ni Archie Liao

HANGGANG ngayon, marami pa rin ang hindi nakaka-get over sa diumanoý pagbalahura kay Regine Velasquez ng digital team ng ABS-CBN.

Kilala naman kasi ang “Asia’s Songbird” na idolo hindi lang ng sangkabekihan kundi pati ng mga biriterang nangangarap na maging singer kaya maraming nagmamahal sa kanya.



Recently, marami kasi ang umalma sa isang poster na bahagi ng promotional material ng MYX Music awards kung saan ipinakita ang lineup ng kanilang performers.

Hindi matuk ng netizens na nasa top billing sina BINI Jhoanna at Maloi , James Reid at PBB Gen 11 winner na si Fyang Smith na kinabog sina Regine Velasquez at Gloc-9 na nasa secondary billing.



Hirit ng kibitzers, isang malaki raw insulto kay Regine ang apihin sa billing sa nasabing art card.

Una-una, hindi raw matatawaran ang naging kontribusyon nito sa pagsulong ng Original Pilipino Music sa bansa.



Ikalawa, hindi raw dapat binabalahura ang isang multi-awarded singer at concert performer na bukod sa iconic na ang status ay napakarami nang achievements kumpara sa mga baguhan.

Pagkatapos namang makuyog sa social media ang nabanggit na digital team, humingi naman ito ng dispensa kay Regine na ipinost ng singer ang apology sa kanyang Instagram.

Ayon sa statement kay Regine: “We would like to sincerely apologize for the oversight in the promotional material we released yesterday. We have deep respect and admiration for your craft and the remarkable contribution you have given the music industry. We will strive to do better moving forward. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.”

Sagot naman ni Regine: “Oh thank you very much didn’t have to but I appreciate it ?? #kalma ??”

Ito naman ang samu’t saring reaksyon ng netizens.

“Ang daming nanggigil eh. Deserve mo makatanggap ng apology from them. buti nmn nag sorry na! deserve mo makatanggap ng apology from them! love u ate!”

“Na stress ako nang malala got mad so easily after seing the post good thing ok na po.OCl hope that you will stay in the music industry for the rest of ur life mama @reginevalcasid and keep inspiring”

“In the wise words of Legendary Aretha: R-E-S-P-E-C-T!!!!”

“Dapat ialis yung fyang dun sa taas at dun ilagay si Ms. Reg jusko”

“Fyang over Ms. Regine? Anyare?”

“Sana pamarisan ka ng marami Ate. God bless your qenerous heart.”

“Dapt inalis si fyang dun feeling sikat”

“nong ambag pala ni fyang? bat nasa taas siya kesa kay reg?”

“This is BEYOND. Disgusting and disgraceful for our queen. She doesn’t deserves this.”

“Bago nyo ipost yan. Dadaan pa din yan ng review and approval. Kaya sobrang nag react ang tao dahil to the highest degree ang kabastusan na yan.”

“Ang digital team ng ABS parang bago ng bago, jusko…”

Sa kanya namang TikTok video, inamin ni Regine na “hindi na ito ang kanyang panahon” sa industriya.

Sinabi niya na bagama’t maaaring masaktan ang iba sa kanyang sinabi, ito raw ang katotohanan.

Hirit pa niya, nagpapakatotoo lang daw siya at aware siyang hindi na niya kering makipagsabayan sa mga mas bata sa kanya.