Advertisers

Advertisers

Ate Vi wag husgahan ang pagkakaroon ng mga anak sa magkaibang lalaki

0 54

Advertisers

Ni Jimi Escala

NAG-enjoy kami sa repeat performance ng grupong Magic Vhoys na ginanap sa Viva Cafe last Friday night.

No wonder sa pangatlong pagkakataon ay punung puno pa rin ang Viva Cafe, huh!



Parang professional na kung mag perform ang grupo na kinabilangan nina John Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Marck Morales, Rave Obado,Jace Ramos, Ian Briones, Asher Diaz, at Johan Shane.

Ang Magic Voyz ay under Viva Records at ng LDG Productions ni Lito De Guzman na namumuno ng mga bookings, huh!



Kinanta rin ng grupo ng gabing yun ang first single nila na “Wag Mo Akong Titigan.’

Last Oct. 27 naman ay inilunsad ang second single ng Magic Vhoys na “Bintana” at kasabay na rin ang music video nito.



Samantala, sa tanong kung bakit “Magic Voyz” ang napili na name ng grupo dahil daw kasi inspired yun sa name ng Magic Mike, huh!

Sa mga nagnanais na kuhanin ang grupo para sa mga bookings and inquiries, puwedeng kontakin ang Magic Voyz sa kanilang Facebook page. Maaari ring tawagan ang Viva Artists Agency at cell number na 09178403522.

***

EVERYBODY knows na dalawa ang anak ni Ate Vi na sina Luis Manzano at Ryan Christian na magkaiba ang ama.

Ang panganay na si Luis ay anak ni Ate Vi kay Edu Manzano at ang bunso naman niya ay kay Sec. Ralph Recto, huh!

Kaya nga sa dinami daming ginampanang mother roles ng Star for All Seasons, ang role niya as Lea Bustamante sa “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? “ ang nai-apply niya sa totoong buhay bilang ina nina Luis at Ryan Christian.

Sa nabanggit na pelikula ay may dalawang anak ang character ni Ate Vi na magkaiba rin ang ama, huh!

Kaya nga raw sakay na sakay si Ate Vi sa role niyang yun mula sa magkaibang lalaki,huh!

Wala namang hindi nakakaalam na may dalawang anak na magkaiba ang ama di ba?

“Pero walang kahit isa sa inyo ang puwede akong husgahan, you get me? (Kung) ano’ng klase akong babae o bakit dalawa ‘yung ama ng mga anak ko. Because you don’t know me. Hindi mo dinadaanan ang klase ng buhay na meron ako. So don’t be judgmental,” banggit ni Ate Vi na kung saan umani ng hiyaw at palakpakan mula sa audience na karamihan estudyante ng University of Sto. Tomas, matapos mapanood ang “Dekada 70” at nagkaroon ng Talk back na Vilma Santos: Woman, Artist, Icon (The Vilma Santos Restropective).

Sa totoo lang naman, sino ba naman ang may karapatang husgahan si Ate Vi?.

At kahit sa sarili natin ay wala ring karapatan ang sinuman na husgahan tayo, huh!

Bukod tanging ang Panginoon lamang ang may karapatan na humusga di ba?

Sabi nga sa kanta “ Sino ba sila?”

Basta alam nating lahat na naging maayos ang pagpapalaki ni Ate Vi kina Luis at Ryan, huh! Dahil na rin sa maayos niyang pagpapalaki sa mga anak kaya na-inspire na rin ang dalawa na pasukin ang pagiging public servant.

Si Luis ay tatakbong Vice Governor ng Batangas at si Ryan naman ay congressman ng Lipa.