Advertisers

Advertisers

‘Multo’ si Mary Grace Piattos sa P612.5m intel-confi funds ni VP Duterte

0 19

Advertisers

SA data ng Philippine Statics Office (PSA), walang lumabas na Mary Grace Piattos.

Oo! Sabi ng PSA, walang ipinanganak na Mary Grace Piattos, walang ikinasal na Mary Grace Piattos, at walang namatay na Mary Grace Piattos.

Ibig sabihin ay multo itong si Mary Grace Piattos na isa sa mga naging recipient ng P612.5 million confidential at intelligence funds ni Vice President Sara Duterte-Carpio.



Ang pangalang Mary Grace Piattos ay lumabas sa acknowledgement receipts na isinumite ng Office of the Vice President sa Commission on Audit (CoA) nang busisiin ng House Quad Committee ang pinaggagastusan ng kontrobersiyal na daan daang milyones na confidential at intelligence funds ng Office of the Vice Presdent (OVP) at ng Department of Education (DepED).

Napansin ng Quad Comm na kakaiba ang pangalang Mary Grace Piattos. Tila hawig daw ito sa pangalan ng kompanya na gumagawa ng mamahaling cake, ang Mary Grace; at ang Piattos ay brand ng sitserya. Animal!



Nang tanungin ang PSA sa pangalang ito, wala silang makita sa kanilang data na Mary Grace Piattos, ipinanganak man, ikinasal o patay. Nothing!!!

Hindi rin ito masagot ng Chief of Staff ni VP Sara na si Atty. Zuleika Lopez, na 10 days pinakulong ng Quad Comm matapos ma-contempt sa pagsisinungaling. Pero nang ikulong ay nagkandahilo-hilo, itinakbo sa Veterans Memorial Medical Center tapos sa St. Lukes hanggang sa mapalaya.



Maliwanag na mayroong katiwalian sa paglustay sa confi-intel funds (taxpayers money) ng tanggapan ni VP Sara.

***

Nabunyag naman nitong Lunes na dumoble ng tatlong beses ang travel expenses ni VP Sara noong 2023 kumpara noong 2022, ayon sa audit report ng CoA.

Nabuking din na ang pamamahagi ng OVP ng welfare goods noong 2023 ay mga walang resibo. Kaya hindi makumpirma ng CoA kung may nangyari nga bang pamamahagi ng ayuda o disaster aid. Araguy!!!

Ang OVP ay mayroong P176 million welfare fund noong 2023, sabi ng CoA. Pero wala manlang itong dokumento sa pinaggagastusan tulad ng distribution list ng rice beneficiaries, situational reports o mission order para suportahan ang disaster na ngangailangan ng relief goods at listahan ng beneficiaries na validated ng local govt. officials para mtukoy ang tamang halaga ng welfare goods na ipamamahagi.

Kaya hindi makumpirma ng CoA kung may nangyari nga bang pamamahagi ng goods o ayuda.

Wala pang paliwanag rito ang OVP, busy yata sila ngayon sa pag-oorganisa ng mga rally para makabuo ng People’s Power sa EDSA. Hehehe…

***

Naisampa na sa House of Representatives and impeachments complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

Ang may gawa ay ang civil society organizations, religious leaders, sectoral representatives at pamilya ng mga pinatay sa ‘war on drugs’ ni ex-President Rody Duterte.

Ang grounds ng impeachments: Guilty violation of the Constitution, Graft and Corruption, Bribery, Betrayal of public trust, at iba pang high crimes.

Si Akbayan party-list Representative Perci Cendana ang nag-endorso nito sa Office of the Secretary General of The House.

Sa tingin ko ay gahol na sa oras para matalakay ang impeachments na ito vs VP Sara dahil malapit nang mag-recess ang Kongreso at mahaba ang bakasyon ngayong buwan ng kapaskuhan.

Pero sigurado ako na may sapat na bilang para ma-impeach si Sara sa Kamara, habang 50-50 sa Senado.

Ang Senado ang magsisilbing impeachment court kapag na-impeach si Sara sa House. 16 sa 24 senador ang kailangang boto para ma-impeach si Sara. Ang siguradong kokontra ay sina Robin Padilla, Bong Go, Ronald “Bato” Dela Rosa, Imee Marcos, mag-inang Cynthia at Mark Villar at magkapatid na Cayetano.

Anyway, antayin muna natin kung ano ang mangyayari sa House. Subaybayan!!!