Advertisers

Advertisers

P48M pondo para sa seniors ng Maynila, hawak pa ng PayMaya – Mayor Honey

0 64

Advertisers

IBINUNYAG ni Mayor Honey Lacuna na ang city funds na nagkakahalaga ng P48 million na laan para sa monthly allowance ng 8,000 senior citizens sa Maynila ay nanatiling nasa PayMaya.

Ang halaga ay katumbas ng allowances ng 8,000 individual seniors sa P6,000 kada taon . Ang PayMaya system kung saan kinukuha ng mga senior ciftizens ang kanilang monthly allowance ay ipinatutupad ni dating Mayor Isko Moreno, noong mayor pa siya.

“Noong panahon po niya idinaan po ang mga allowances ng senior citizens natin through PayMaya. Napakarami pong mga reklamo sa akin na wala naman silang nawi-withdraw doon sa pondo. In fact, hanggang ngayon, meron kaming nakabinbin na around P48 million na nasa PayMaya pa rin. Hanggang ngayon nagkakaroon kami ng kasuhan ng PayMaya dahil hindi namin ma-retrieve yung pera. Nagko-contest po sila dahil nakuha na daw ng mga seniors,” ayon kay Lacuna.



Nabatid na ang city government at ang Paymaya ay nag-uusap pa rin kaugnay ng kanilang magkasalungat posisyon.

Dahil sa napakaraming reklamo ng mga senior citizens sa mga problemang kanilang nararanasan sa paggamit ng PayMaya, sinabi ni Lacuna na kailangang tumugon sila sa problemang ito kaya Naman kaya ipinagkatiwala nila sa barangay ang pamimigay ng monthly financial assistance , ito ay base rin sa kahilingan ng mga senior citizens .



“Marami sa kanila, hindi nakapag-withdraw. Anong ginawa ko, ibinaba ko sa mga barangay yung kanilang allowances. Pinagkatiwala ko sa mga barangay officials yung allowances ng seniors,” sabi ni Lacuna .

Ayon kay Lacuna, kailangang linisin ng City Hall ang rehistro ng seniors sa OSCA dahil ang ibang nasa listahan ay ‘di na residente ng Maynila o pumanaw na dahil ‘di naman ito transferable o maililipat sa senior’s dependents o kaanak.



Sinabi ni Lacuna na ang arrangement sa PayMaya ay maihahalintulad sa palpak na eksperimento, dahil ang mahinang pagkamaintindi ni Moreno sa ilang seniors na ‘di pamilyar sa paggamit ng ATMs.

“Ginawa nyang komplikado ang paghahatid ng serbisyo sa mga seniors. Dahil mas kilala natin ang ating mga senior citizens, alam nating mas effective ang direct cash payouts. Alam din nating mapagkakatiwalaan ang OSCA at ang mga barangay sa pondong para sa seniors. Sapat ang ating mga precautions and accounting measures. Mula nang malinis natin ang listahan, mas nakakatiyak na tayong ang pondo ng Maynila ay napupunta sa mga totoong taga-Maynila,” ayon kay Lacuna .

“Kay Isko, sana ay ‘wag na niyang gamiting palusot ang mga seniors sa muling pagtakbo. Tama na ang panloloko,” pagdidiin ni Lacuna.

Pinabulaaanan ni OSCA chief Elinor Jacinto ang pahayag na ginawa ni Moreno na ang mga allowances na ‘di nakuha ng mga senior citizens sa kanilang barangay sa itinakdang araw ay forfeited.

Sinabi ni Jacinto na sa ilalim ng bagong sistema na ipinakilala ni Lacuna, makukuha ng senior citizens ang kanilang allowances mula sa kanilang barangay sa loob ng isang linggo. Makalipas ang isang linggo ay maaari na silang humingi ng tulong sa kanilang barangays para bigyan sila ng rekomendasyon upang makuha nila ang kanilang ‘di nakuhang allowances sa loob naman Ng limang araw.

Ang mga allowances ng mga bedridden o naging paralitiko dahil sa sakit ay maaari pa ring makuha dahil dinadala ito ng mga barangay officials sa kanilang tahanan, ayon kayJacinto. (ANDI GARCIA)