Advertisers

Advertisers

Ray-Ray Parks nangunguna para sa best player award

0 229

Advertisers

TNT Tropang Giga swingman Ray-Ray Parks ay nanateling nasa tuktuk ng statistical points race para sa PBA Philippine Cup Best Player of the Conference (BPC) award.
Parks, na lumiban sa huling three games ng Tropang Giga’s championship series laban sa Barangay Ginebra dahil sa calf injury, ay nag average ng 38.2 statistical points, naungusan si Phoenix Fuel Master Calvin Abueva na may 37.1.
Pangatlo naman si CJ Perez ng Terrafirma na may 35.7, habang pang apat sina Matt Wright at RR Pogoy na may 35.65 at 35.64 ayon sa pagkakasunod.
Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial kamakailan, ang BPC at hindi ang Most Valuable Player ang igagawad sa special rite ngayong January.
Tatlong Ginebra player rin ang nakapasok sa Top 10.
Stanley Pringle ang pang-anim na may 34.8 statistical points, Japeth Aguilar pang walo 32.9 at Scottie Thompson sa ninth place na may 32.8.
Pasok din sa Top 10 sina Chris Standhardinger ng NorthPort(seventh 34.6 statistical points) at Phoenix Jason Perkins (10th na may 32.7).
Samantala, Roosevelt Adam ng Dyip ang nangunguna sa rookie sa stats race na may 20.3 statistical points, nakabuntot si Aaron Black ng Meralco na may 17.3 at panglima si Arvin Tolentino ng Gin Kings na may 15.5.