Advertisers

Advertisers

Higit 1,100 schools hirit ang face to face learning

0 232

Advertisers

NASA kabuuang 1,114 ang mga paaralang irerekomenda ng Department of Education (DepEd) para sa face-to-face classes dry run sa mga lugar na mababa na ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nakipag-ugnayan na sila sa mga regional directors na mag-reccommend pa ng mga paaralan para sa isasagawang dry run.
Subalit ayon kay Briones, ang naturang mga paaralan ay kailangan pa raw ma-evaluate kung sumusunod sa proper health protocols laban sa pagkalat ng covid.
Kailangan din umano rito ang approval ng mga magulang at local government units (LGUs).
Una nang sinabi ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla na may hawak na silang listahan ng mga paaralan na nominated sa sa dry run ng face-to-face classes.