Advertisers

Advertisers

3 PULIS, 2 PA HULI SA KOTONG!

0 406

Advertisers

ARESTADO ang tatlong pulis at 2 iba na sangkot sa extortion at iligal na aktibidades sa magkahiwalay na operation ng Taguig City at Bicol PNP.
Kinilala ang mga naaresto na sina Staff Sergeant Carlo Marsaba Sison, miyembro ng Taguig City Police Station na nakatalaga sa Tipas Police Sub-station; SSG Ernan Marques Mullasgo; SSG Gerald Callo Capuz, kapwa nakatalaga sa Camalig Municipal Police Station; Melody Paliza Quides alyas “Baby”; at Jay Marquez, security guard.
Naaresto si Sison ng mga elemento ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP IMEG) sa entrapment operation 7:40 ng gabi sa C6 Napindan Road, Barangay Napindan, Taguig City.
Isinagawa ang operasyon base sa reklamo ng isang Jordan Maxian ng paghihingi ng suspek ng P15,000 upang ma- clear umano ang kanyang pangalan sa pagkakasangkot sa aktibidades ng iligal na droga at hindi masama sa police operations.
Samantala, inaresto sina Mullasgo, Capuz , Quides at Marquez ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 5 sa Provincial Engineering Office, Brgy. Salugan, Poblacion, Camalig, Albay.
Isinagawa ang entrapment operation base sa reklamo ni Atty. Paulino Baclao Fernandez Jr., sa pananakot at paghihingi ng P2 million kung ayaw makidnap ang kanyang mga magulang ng mga suspek.
Ang 4 naarestong suspek ay may kaugnayan sa Concepcion Group na sangkot sa robbery extortion, gun for hire at ibang iligal na aktibidades na nag-o-operate sa Region 5.
(Mark Obleada)