Advertisers

Advertisers

543K ‘MODERN HEROES’ NAKAGAMIT SA OFW FREE LOUNGE SA NAIA TERMINALS 1, 3

0 16

Advertisers

UMABOT na sa mahigit kalahating milyon ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagsilbi sa 24/7 free lounge sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na eksklusibo para sa mga ‘modern heroes’, napag-alaman sa ulat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)

Ayon sa OWWA, nasa 543,000 na OFW ang nakagamit na sa mga OFW lounge sa NAIA Terminal 1 at Terminal 3.

Sinabi ng ahensya na nilalayon nitong matugunan ang 600,000 OFWs sa Pebrero.



Nabatid sa report na may average na 1,300 OFWs ang dumarating araw-araw sa NAIA Terminal 1, habang 1,200 OFWs ang nasa NAIA Terminal 3.

Ang mga lounge ay nag-aalok ng iba’t ibang mga pagpipilian sa pagkain at inumin, kasama ng mga komportableng upuan, Wi-Fi, at charging area para sa mga OFW habang naghihintay ng kanilang flights.



Ang proyekto ay pinagsamang pagsisikap ng House of Representatives, OWWA, Department of Migrant Workers (DMW), at ng Manila International Airport Authority. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">