Advertisers

Advertisers

CAAP, MASUSING INIMBESTIGAHAN ANG PAGBAGSAK NG HELICOPTER SA NUEVA ECIJA

0 20

Advertisers

NAGSASAGAWA ng masusing imbestigasyon ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kasunod ng pagbagsak ng RP-C3424 helicopter na pinatatakbo ng Lion Air Incorporated sa Guimba, Nueva Ecija.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio , ang mga inisyal na ulat ay nagpapahiwatig na ang helicopter ay umalis ng Maynila noong 10:22 AM noong Pebrero 1, 2025 patungo sa Baguio, kung saan ito nagpababa ng isang pasahero.

Pagkatapos ay lumipad ito mula Baguio ng 11:51 AM papunta sa Binalonan, at lumapag ng 12:05 PM para sa refueling.



Sinabi ng mga opisyal ng Binalonan Airport na nahirapan ang sasakyang panghimpapawid na i-restart ang makina nito bago umalis ng 4:30 PM.

Naka-detect ang Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC) ng anim na emergency locator transmitter (ELT) alerts sa pagitan ng 7:04 PM at 7:14 PM. Kalaunan ay kinumpirma ng mga awtoridad sa Guimba Police Station na ang crash site ay matatagpuan sa Purok Arimungmong, Barangay San Miguel at ang babaeng piloto, ang nag-iisang sakay ay hindi nakaligtas sa insidente, sabi ni Apolonio.



Ang mga imbestigador mula sa Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) ng CAAP ay nasa lugar upang matukoy ang mga pangyayari sa pagbagsal ng aircraft. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">