Advertisers

Advertisers

TATAY, ANAK, PAMANGKIN PATAY SA AMBUSH!

0 16

Advertisers

NASAWI ang ama, kaangkas na anak at pamangkin nang pagbabarilin nitong Sabado sa Barangay General Luna, Carmen, Cotabato.

Kinilala ang mga biktima na sina Norhan Alim Makulintang, anak niyang si Norolan, 5 anyos; at pamangkin na Grade 3 pupil na si Umbra Guiamil Makulintang, mga residente ng Barangay Pagangan, Aleosan, Cotabato.

Ang salarin ay kinilala sa alias “Norman” Makasasa, 29, miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa mga hiwalay na ulat Sabado ng hapon ng Carmen Municipal Police Station at ng Cotabato Provincial Police Office, sakay ng motorsiklo ang mga biktima nang tambangan ng mga armadong nakaabang sa kanila sa Barangay General Luna.

Naisugod pa ang tatlong biktima sa isang hospital ng mga emergency responders sa naturang bayan nguni’t pumanaw din sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanilang mga katawan.

Ayon sa barangay officials na nag-responde sa insidente, mabilis na nakatakas ang mga nag-ambush.

Sa ulat, nagtungo ang mga biktima sa Carmen upang dalawin ang kanilang mga kamag-anak na mga taga roon.

Tumakas ang salarin gamit ang isang minivan na walang plaka.

Inaalam pa ang motibo ng pamamaslang.