Advertisers

Advertisers

ESPIYA NG CHINA

0 26

Advertisers

UNTI-UNTING nakikilala ang mga espiya umano ng China sa bansa. Hindi nag-aatubili ang gobyerno ni BBM na dakpin sila. Kagyat silang ikinulong at isasailalim ng paglilitis na ayon sa batas. Dumami sila noong panahon ni Gongdi na kilala bilang kakampi ng Peking. Hindi kumilos si Gongdi dahil makiling siya sa mga Intsik.

Hindi bago ang istilo na ito. Bago sumiklab ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig, maraming espiya ang ipinadala ng Japon upang maniktik sa bansa. Malaki ang Japanese community sa bansa at may mga pagkakataon na lampas 5,000 ang mamamayang Japones sa bansa. Hindi inabot ang ganitong bilang sa panahon ngayon.

Maraming espiyang Japones ang nag-asawa ng mga Filipino, nagtrabaho bilang skilled artisan (karpintero, manlililok, atbp), edukador, at mangangalakal sa bansa. Marami ang nagtayo ng negosyo tulad ng mga kiosko ng halu-halo at munggo sa bawat kanto.



Laking mangha ng mga Filipino noong panahon na iyon dahil ilang araw matapos sumiklab ang digmaan, naglabasan ang mga Japones sa bansa na suot ang uniporme ng sundalo. Mga sundalo pala sila ng Japanese Imperial Army na itinanim sa bansa.

Ikinuwento ito ng aking ina at dalawang tiyo dahil batay ito sa kanilang karanasan noong sinakop tayo ng mga Japones. Ang may-ari na Japones ng tindahan ng halo-halo at munggo sa Tundo ay sundalo ng Japon.



Hindi malayo na kasalukuyang nangyayari ito sa bansa. Maraming Intsik ang itinanim ng China sa bansa. Sila ang mga espiya na ang layunin ay sakupin tayo sa hinaharap.

May batayan ito sa karanasan at katotohanan. Noong si Gongdi ang pangulo, malaya niyang pinapasok ang mga Intsik. Halos himurin niya ang tumbong ni Xi Jinping upang makapagsipsip lang. Halos sambahin niya ang China kahit sinuwag tayo, inangkin ang ating teritoryo, tinayuan ng base militar ang ilang isla sa West Philippine Sea, at ninakaw ang ating yamang-dagat.



Ikinagagalak namin ang masusing paninitiktik ng ating intelligence community sa mga espiya ng China. Unti-unti na natin silang nabibisto at nakikita ang buong larawan ng kanilang paniniktik sa bansa. Isipin mabuti na hindi natin sila kaibigan. Kaaway natin sila, sa maikli.

Unti-unti natin nabibisto kung paano tayo ipinagkanulo ni Gongdi sa China. Isang taksil sa bayan si Gongdi. Traydor at Makapili.

***

MAHIRAP seryosohin si Presidential Legal Adviser Juan Ponce Enrile sa maraming isyu ng bayan. Kamakailan, iginiit ni JPE na ilegal ang war on drugs ni Gongdi na kumitil sa buhay na umabot sa 30,000 katao batay sa tantiya ng mga human rights group. Walang batayan sa Saligang Batas ang mga extrajudicial killings (EJks).

Mahabaging Diyos, bakit ngayon niya sinabi iyan? Iyan ang ipilit noon ng mga human rights group, ngunit hindi pinakinggan ni Gongdi at mga kasapakat tulad ni Bato, Bong Go, at iba pang sumikat hindi dahil sa galing kundi sa pagsipsip kay Gongdi.

Kung pagmamasdan mabuti, sinuportahan ni JPE ang war on drugs ni Gongdi. Nang sumulong ang isinampang crimes against humanity laban kay Gongdi at mga kasabwat sa International Criminal Court (ICC), unti-unting nagbago ng postura si JPE.

Noong Enero ng 2023, nagbabala si JPE na gagamitin niya ang poder upang dakpin ang mga imbestigador ng ICC sa bansa. Wala sila umanong karapatan dahil tumiwalag na ang Filipinas sa Rome Statute, ang tratadong bumuo sa ICC. Mukhang hindi nabasa ni JPE ang probisyon ng tratado at kahit ang desisyon ng Korte Suprema sa isyu noong 2021.

Sa madaling salita, walang sinabing bago si JPE. Ilegal ang war on drugs ni Gongdi dahil hindi batay sa Saligang Batas ang pagpaslang sa mga pinaghihinalaang adik at tulak ng bawal na gamot. Pilit lang siyang nagpapabango sa madla.

***

ULITIN namin ang aming panawagan kay Muntinlupa City RTC Judge Romeo Buenaventura: Magretiro ka na. Wala matwid upang manatili siya bilang isang pinipitagang hukom matapos kastiguhin siya ng Korte Suprema dahil sa pagkakait niya si dating senadora Leila de Lima na maglagak ng bail (piyansa) para sa kanyang pansamantalang paglaya. Sinadya niyang antalahin ang paglilitis kay de Lima upang manatili siya sa kalaboso.

Bata ni Gongdi si Buenaventura. Nagpagamit sa dating pangulo na hindi nalalayo sa baliw ang asal. Kung hindi siya magbibitiw, mas lalo lang siyang mahaharap sa suliranin. Sino ang magtitiwala sa kanya bilang hukom? Hindi malayo na hingin ng nahaharap sa asunto na ilipat sa ibang hukuman ang mga asuntong darating sa kanyang sala.

***

MGA PILING SALITA: “IBOBOTO ko si Heidi Mendoza dahil kailangan natin ng bantay sa kaban ng bayan sa Senado at hindi bantay salakay.” – PL, netizen, kritiko

“Gone are the days when we can send thieving senators or former presidents to prison. Since the evil corrupt leaders made a pact to unite, the country’s coffers are left wide open, available at their disposal. And I blame Duterte for opening the gates of hell we are now in.” – Mac Zamora, netizen, critic