Advertisers

Advertisers

PBBM APRUB SA P200 TAAS SAHOD

0 25

Advertisers

KASUNOD ng panawagan na sertipikahan na urgent ang panukalang P200 across the board wage hike, inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kailangang pag-aralan muna ito ng maige.

Sa isang ambush interview, sinabi ng Pangulong Marcos na ang tripartite board ang siyang tumutukoy kung magkakakaroon ng taas sweldo.

Binigyang-diin ng Pangulo na kailangan muna pag-usapan at pag-aralan ito ng mga concerned agencies.



Pahayag ng Pangulo, posibleng magkaroon ng negatibong implikasyon kung ipatupad ang P200 across the board wage hike gaya ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin at ang inflation na hindi pa tuluyang natutugunan.

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na nagpahayag din ng pagkabahala ang mga employer lalo na yung mga maliliit na negosyo kapag itinaas ang minimum wage.



Nitong Sabado, lusot na sa house panel ang panukalang P200 across the board wage hike.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">