Advertisers

Advertisers

“TONI TALKS” Ni Toni Gonzaga Ginawaran Ng 2 Awards Sa 7th GAWAD LASALLIANETA; Marian Rivera Renews Another 1 Year Contract For Ecran De Luxe

0 39

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

YEAR 2020 nang umpisahan ng ating Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga ang kanyang Official Youtube Channel na TONI GONZAGA STUDIO (TGS). At wow, first episode pa lang ng Toni Talks na may titulong “The Conversation I Never Had with Mikee (Morada) ay naka almost 6.5 million views ang said episode. Naipalabas din sa ALLTV Channel 2 ang Toni Talks na as of presstime ay nasa 7.69 million (still counting) na ang subscribers ni Toni sa kanyang TGS channel. Lahat ng mga sikat o top Vloggers sa Pinas ay na-interview na ni Toni at na-featured na rin sa kanyang talk show ang maraming big stars na marami sa kanila ay may kaakibat na controversial issues.

At mapabibilib ka kay Toni bilang interviewer o talk show host sa mga tanong niya na napapakwento niya ang mga pinagdaanan ng mga guest niyang celebrity ang mga pinagdaanang buhay bago nakilala sa showbiz. She can ask you question under the sun and no holds barred na hindi niya nao-offend ang kanyang bisita. No exaggeration, maikukumpara si Toni sa mga Hollywood talk show host na sina Oprah Winfrey at Ellen DeGeneres. Kamakailan lang ay sunud-sunod na mga sikat na male actors like Bossing Vic Sotto, Piolo Pascual, Coco Martin at ang first Pinoy na naging Grand winner sa The Voice USA Season 26 ang mga guests ni Toni at maging ang nag-viral na dancer actor na si Mark Herras sa pagsasayaw sa kilalang gaybar ay naging bisita rin ni Toni.



At sa husay niya (Toni) at ganda ng kanyang show na nakiki-carried away talaga ang viewers niya na sumasabay sa pag-iyak sa kanyang bawat guest. Idagdag pa ang husay ni Toni sa ganitong uri ng programa na makikita ang kanyang pagiging intelihente at articulate. Dahil diyan ay ginawaran ang TONI TALKS ng The 7th GAWAD LASALLIANETA: The DE LA SALLE ARANETA UNIVERSITY si Toni bilang “MOST OUTSTANDING TALK SHOW HOST” at “MOST OUTSTANDING TALK SHOW.” Very prestigious ang award giving body na ito, at salang-sala talaga ang pinagkakalooban nila ng mga parangal. Nauna rito ay tumanggap din si Toni ng International Award sa IMA WA IMA ASIAN INTL FILM FESTIVAL 2024 bilang Best Actress In Dramatic Role-Full Lenght Category for her Sassy Girl movie na kumita sa takilya.

Congratulations Toni Gonzaga. Yes very-very proud parents sina Mommy Pinty at Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga kay Toni, also her youngest sister, Alex.



***

MAPALILINGON ka talaga sa ganda ng aura ni Marian Rivera sa kanyang short hair at very classy na white outfit sa renewal ng kanyang contract with Ms. Anna Magkawas para sa ECRAN DE LUXE: SILICONE SUNSCREEN GEL. Ginanap ang said contract signing sa sosyaling bar ni Alden Richards na STARDUST sa Jupiter St, Bel-Air Village Makati City.



Present siyempre sa contract signing si Ms. Anna Magkawas na TV Host-Businesswoman at Founder ng LUXE BEAUTY and WELLNESS GROUP, Talent Management ni Marian na All Access to Artists headed by Triple A’s President and CEO Direk Michael B. Tuviera, COO-CFO Mr. Jojo Oconer, and Head of Operations and Sales, Ms. Jacqui L. Cara.

Sa contract signing and mediacon ay ibinalita ni Ms. Anna na umabot na sa 100,000 units ang sale ng kanilang Ecran De Luxe since kunin nilang brand ambassador si Marian. At hindi lang dito mabenta ang produkto, maging sa abroad may mga distributor sila at mabibili rin ito sa mga Pinoy stores.

At may good news si Ms. Anna sa lahat ng kanilang mga patronizers, soon ay mabibili na in sachet ang Ecran De Luxe sa Watsons Nationwide. At para kay Marian ay kasama na talaga sa kanyang daily routine ang paggamit ng produkto. Na after niyang maligo at ihatid sa school ang mga anak nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto ay nagpapahid siya ng cream na ito sa kanyang face bago sumuong sa sikat ng araw.

In all fairness to Marian, kaya very effective at binibili talaga at number one sa market ang bawat produkto na kanyang ineendorso. Kasi ginagamit talaga niya lahat ito. At pinapagamit na rin daw ni Marian ang kanyang kids ng produkto ni Ms. Anna.

Kitang-kita ang closeness ni Yan Yan at Ms. Anna. Panoorin niyo pala sa NETFLIX ang “BALOTA” ni Marian na No.1 na sa Philippines. Humakot siya ng maraming Best Actress Awards sa movie na ito.

And soon, mapapanood siya sa isang malaking teleserye sa GMA 7 kung saan hanggang ngayon ay hawak pa rin niya ang title na “GMA PRIMETIME QUEEN.” Nakausap pala namin sandali sa mediacon si Direk Michael Tuviera at happy siya sa 11 years (still counting) nilang samahan ni Marian, at nasa bucket list niya ay ang maidirek sa malaki at solong pelikula si Marian. Sabi ko, maganda kung gawan niya ng pelikula si Marian na tatak sa pagiging mahusay na actress na tulad ng 1982 HIMALA ni Nora Aunor at Vilma Santos sa 1984 film na SISTER STELLA L.

Agree naman sa amin ang sikat na director na bukod kay Marian ay marami pang hina-handle na artists sa kanilang ALL ACCESS TO ARTISTS.