Advertisers
Ni Beth Gelena
NAG-decide na si Megan Young na i-declutter na ang kanyang mga dress dahil hindi na ito magkasya sa kanya due to her pregnancy.
Sa kanyang Instagram Stories, pinost ng first ever Pinay Miss World 2013 na inalis na niya sa kanyang closet ang mga hindi na niya masusuot na mga damit dahil nadadagdagan na ang kanyang timbang.
Halos lahat daw ng kanyang clothes ay hindi na magkasya sa kanya.
“Nothing fits me anymore. Oras na naman para mag declutter getting rid of clothes that don’t fit me anymore or that I barely use. Everything must go. I wanna make more space and only use clothes na lagi kong ginagamit.”
Aniya pa, magkakaroon daw siya ng garage sale for her decluttering.
“Nothing fits me anymore so we’re gonna have a garage sale. I wanna sell all my clothes because nothing fits me,” wika ni Megan.
“A lot of these clothes are very small sizes, hindi na ako kasing liit ng size ko dati and just a side note, nag-bulking phase kasi ako bago magbuntis. So I tried to gain weight so I could gain muscle tapos nabuntis ako.”
***
Biro sa TV host tinotoo
MELAI NALOKA KAY ROBI NANG ISAMA SA KANILANG INTIMATE DINNER
NALOKA si Melai Cantiveros nang totohanin ni Robi Domingo ang joke niya.
Sa Instagram ng TV host ay pinost niya ang screenshot ng text niya kina Melai at Bianca Gonzales.
Sa convo nilang tatlo ay nagka-ayaan silang mag-dinner intimately.
Tanong ni Robi kung pwede niyang isama ang wife niyang si Maiqui Pineda.
Nang marinig ni Melai ay nag funny joke siya.
“Game on Wednesday? Can I bring Maiqui with me?”
Sagot ni Melai “Yes, please. Hehehe char lang. Kahit isama mo si Sir Carlo, Robi D.”
Hindi akalain ng komedyanang aktres na tototohanin ni Robi ang kanyang sinabi na kahit isama pa niya si Sir Carlo.
Nang dumating si Melai sa usapan nila ay ang una agad niyang nakita ay si Sir Carlo.
“Wag mo kasi kami hinahamon,” saad ni Robi sa caption of his now-viral post sa Instagram.
Nagreak naman si Melai sa comment section sa video na pinost ni RD.
“Hoyyy bakit may video? Buang ka Robi D, di ko talaga in-expect na si Sir Carlo, grabe kabait and talagang anytime siya ay may time sa kanyang mga artist. Labyu, Sir Carlo, ayaw ko na, Robs, ayaw ko na talaga. Be careful what you wish for,” komento ni Melai.
***
MARK KAYA LUNUKIN ANG PRIDE PARA SA PAMILYA
NAGSALITA na si Mark Herras tungkol sa viral niyang pagsasayaw sa gay bar.
Guest ang aktor ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube Channel, Toni Talks.
Ayon kay Mark, “Kung napansin niyo talaga, ang tahimik ng buhay ko. Wala akong isyu na nangyayari except this last one na sumayaw ako sa gay bar, diba?”
Esplika niya.
“Hindi naman ako naghubad eh. Hindi naman ako sumayaw na parang macho dancer or what I performed, I danced to hip hop, ganun.”
Patuloy niya, hindi naman daw siya namimili ng trabaho para sa kanyang pamilya. Ang pagsasayaw daw sa Apollo ay isang simpleng trabaho.
“Hindi ako namimili. Basta ako, trabaho? Okay ako. So ngayon, nung in-offer-an ako sa Apollo, why not? Trabaho yun eh. Meron nga akong tinatanggap na mga trabaho, magpe-perform ako parang sa mga party lang na yung events place eh maliit lang. Still, it’s work, trabaho.”
“Kaya mas lalo akong tumatanggap ng mga trabaho, para sa anak ko. Ayokong dumating yung time na manghihingi yung anak ko ng pera sa ibang tao dahil wala kaming maibigay.”