Advertisers

Advertisers

Tony naelya sa lips ni Herlene

0 17

Advertisers

Ni Archie Liao

Pagkatapos ng kanyang natapos na serye sa ABS-CBN, sa GMA-7 naman mapapanood ang aktor na si Tony Labrusca.

First time rin niyang makakatrabaho sa isang proyekto si Herlene Budol.



Ayon sa panayam sa hunk actor kay Boy Abunda, sinabi niya na nag-enjoy siyang katrabaho si Herlene.

Aminado rin siyang na-attract siya sa beauty queen-actress.

Katunayan, isa raw sa physical features na he finds attractive ay ang kissable lips nito.

Kaya naman may nagtatanong tuloy sa kibitzers kung ano raw kaya ang sey dito ni Angel Aquino na unang nagbinyag sa kanya sa daring kissing scenes.

Mas kapapak-papak o mas katakam-takam daw kaya ang mga labi ng screen partner kesa kay Angel Aquino na hindi niya malilimutan ang pakikipagtukaan.



“Isa sa favorite features ko kay Herlene ay ‘yung labi niya. She’s got beautiful lips,” ani Tony.

“Tsaka napaka-expressive ang mata ni Herlene. Alam mo kapag nagkaka-eksena kami marami siyang emotional na scenes, maraming sinasabi ang mata ni Herlene. Napakaganda ng mata niya,” dugtong niya.

May kakaibang charisma rin daw ang comedienne-actress na sinumang lalake ay puedeng mabatu-balani.

“May something sa energy niya na feeling ko masaya siyang kasama, totoo siyang tao, and ngayon masasabi ko na she’s exactly the way I imagine in my head,” paliwanag niya.

“She puts everybody in such a good mood. Sobrang bait ni Herlene,” pahabol niya.

Sina Herlene at Tony ay magtatambal sa seryeng “Binibining Marikit” na mapapanood na sa Pebrero 10 sa GMA Afternoon Prime.