Advertisers

Advertisers

Drayber kulong sa rape sa pasahero

0 18

Advertisers

KULONG ang isang driver ng pampasaherong jeep nang arestuhin sa reklamong panggagahasa sa Liloan, Cebu.

Nakakulong ngayon sa Liloan Municipal Police Station ang salarin na itinago sa pangalan Pilmar, 37 anyos, may-asawa, ng Barangay Jubay, Liloan.

Ayon kay Major Mawi C Arcilla, hepe ng Liloan MPS, nagtungo sa kanilang tanggapan ang biktima na itinago sa pangalan, Dina, 33, para pormal na magsampa ng kaso laban sa nagsamantala sa kanya.



Kwento ni Dina, naganap ang panggagahasa Pebrero 6 ng taon 12:20 ng umaga sa Sitio Tabay, Barangay Tayud, ng nasabing bayan. Aniya, sumakay siya sa harapan ng pampasadang jeep ni Pilmar patungong Liloan, subali’t pagdating sa kanto ng naturang lugar ay huminto ito. Tinutukan daw siya ng patalim saka hinubaran at isinakatuparan nito ang makamundong pagnanasa.

Hindi pa nakuntento ang driver, hinalungkat ang kanyang mga dalang gamit at pinababa ng jeep.

Sa follow-up operation ng pulisya, nahuli ang driver sa bahay nito at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.