Advertisers
Nasawiang isang company bus manager at maybahay niyto nang tambangan at pagbabarilin habang sakay ng sports utility vehicle sa Kabacan, Cotabato nitong Lunes ng hapon.
Sa inisyal na report na tinanggap ni Col. Gilbert Tuzon, director Cotabato Provincial Police Office, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Armando Yap Lu, 79 anyos; at misis na si Marilyn Lungakit Lu, 62-anyos.
Sinabi ni Tuzon sa mga mamamahayag na kapwa idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang mag-asawang Lu kung saan sila isinugod ng mga emergency responders para malapatan sana ng lunas.
Sa report, manager si Lu ng isang malaking bus Company na may nga bus units na may mga rutang Cotabato-Davao, Davao-Cotabato.
Sa paunang imbestigasyon ng Kabacan Police, ang nasabing company bus manager at kanyang asawa ay lulan ng grey Toyota Fortuner, at pauwi na sa kanilang tahanan sa Carmen, Cotabato mula sa Kabacan nang sila ay pagbabarilin ng mga armadong grupo na nakaabang sa gilid ng highway pagsapit nila sa Barangay Kayaga, Kabacan.
Dahil sa pagpapaulan sa kanila ng bala, natadtad ng bala ang mister at nawalan siya ng control sa manibela hanggang sa umiba ng direksyon ang SUV at biglang bumaliktad saka sumadsad sa gilid ng kalsada.
Tinamaan din ng bala ang misis na nasawi rin sa naturang ambush.
Agad kinondena ni Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza ang ginawang pamamaslang sa mag-asawang Lu na residente ng Barangay Ugalingan, Carmen ng nasabing lalawigan.