Advertisers
UMABOT na sa siyam katao ang namatay sa Leyte, Agusan del Sur, at Surigao del Sur habang apat iba pa ang nawawala dahil sa Tropical Depression “Vicky” na humagupit sa Mindanao at ilang bahagi ng Visayas.
Ang datus ay mula ito sa pinagsama-samang naitala ng Philippine National Police (PNP) at Office of Civil Defense (OCD).
Ayon kay OCD Spokesperson Mark Timbal, tatlo sa mga namatay ay mula sa bayan ng Mahaplag, Leyte; 3 sa San Francisco, Agusan del Sur; at 3 sa Surigao del Sur.
Hinihintay pa nila ang official report mula sa mga concerned Local Government Units (LGUs) para malaman ang dahilan ng pagkamatay ng fatalities.
Sinabi ni Mahaplag Mayor Daisy Lleve, dalawa ang namatay sa Barangay Cuatro de Agosto noong Sabado dahil sa landslide.
Sa ulat naman ni Agusan del Sur Governor Santiago Cane Jr., inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga namatay sa bayan ng San Francisco, kungsaan dalawa ay nalunod habang tumatawid ng ilog, at ang isa ay namatay nang malunod habang tumatawid sa binahang kalsada.