Advertisers
Tinitiyak ng Northern Police District na hindi natitinag na pangako ng distrito sa pagtiyak ng kapayapaan bago ang 2025 midterm elections sa ginanap na Solidarity Pact Signing for the National and Local Elections at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections na ginanap sa NPD sa Caloocan.
Pinangunahan ni Northern Police District Director PCol.Josefino Ligan ang signing event, na dinaluhan din ng mga opisyal ng National Capital Region Police Office at mga Chiefs of Police ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.
Ani Col. Ligan, ang paglagdang naganap.tungo sa mapayapang halalan ay isang matibay na pangako na pigilan ang karahasan, hadlangan ang mga ilegal na aktibidad, at itaguyod ang isang patas na proseso ng halalan.
Mahalaga aniya ang ginagampanan ng pamunuan ng NCRPO sa paghahanda para sa paparating na mga hamon, pagpapahusay ng pakikipagtulungan sa pagitan ng mga ahensya, at tiwala ng publiko sa pagpapatupad ng batas.
Kabilang sa mga lumagda sa solidarity pledge sina NCRPO Chief Brigadier General Anthony Aberin, NPD District Director Col.Josefino Ligan, at ang mga hepe ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela police stations.(Beth Samson)