Advertisers

Advertisers

Noranian Ang Nanay Ko

0 31

Advertisers

Ni Oggie Medina

NAPAG-USAPAN namin ng mommy ko si Nora Aunor noong Marso 2025 at itinuro niya pa sa akin kung saan niya nakita si Nora sa balkonahe. Kasama ni Nora ang kanyang mga kaibigan noon na masayang nagkukwentuhan. Hindi na Pinoy ang may-ari ng house niyon sa ngayon.

Naalala ko pa ako ang kumuha ng litrato ng my mom (Rosita Constantino Medina) kasama si Remedios Santiago Isip at si Nora Aunor sa Superstar show sa RPN 9. Nagsasayaw ang kapatid ko, si Au Medina, sa show ng Superstar noon. Miyembro si Au ng Solid Gold Dancers (nagsasayaw din sila sa show ni Pilita Corrales noon every week).



Naikwento pa ng mommy ko na madalas sila kumain sa restoran ng mother ni Eric Quizon noon sa Springtown sa Vallejo, California.