Advertisers

Advertisers

Royeca nakumbinsi ang DOTr na payagang mag-operate ang MC taxis habang wala pang permanenteng batas

0 3

Advertisers

PINAGBIGYAN ng Department of Transportation (DOTr) ang kahilingan ni Angkasangga Partylist First Nominee at transport advocate na si George Royeca na payagang magpatuloy ang operasyon ng motorcycle (MC) taxis habang hinihintay ang pagpasa ng isang permanenteng batas.

Ginawa ni Royeca, na tumatayo ring CEO ng Angkas, ang panukala sa isang high-level meeting kasama ang mga opisyal ng DOTr, sa pangunguna ni Secretary Vince Dizon.

Matapos ang dayalogo, nangako si Dizon na maglalabas ng isang Department Order na magbibigay ng legal na proteksyon sa operasyon ng MC taxi services hanggang sa maipasa ang naaayong batas.



“This is a victory for MC taxis and the thousands of riders who depend on it for their livelihood,” wika ni Royeca.

“Maituturing din itong panalo para sa libu-libong commuter na umaasa sa MC Taxi para mabilis na makarating sa kanilang trabaho at iba pang pupuntahan,” dagdag pa niya.

Sa naturang dayalogo, binigyang-diin ni Royeca ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na operasyon ng MC taxis para sa mga pasahero at driver, lalo na sa Metro Manila kung saan siksikan ang trapiko at kinakailangan ang abot-kaya at mabilis na transportasyon.

“The permanent solution for the continuous operations of MC taxis would require congressional action, that’s why the DOTr is committed to working with our lawmakers to come up with viable solutions that greatly benefit both our riders and commuters,” wika naman ni Dizon.

Ngunit iginiit ni Dizon na kailangang sumunod ang mga MC taxi sa bagong Department Order kaugnay sa kaligtasan sa kalsada, gayundin sa umiiral na pamantayan sa roadworthiness at kwalipikasyon ng mga driver.



Samantala, muling iginiit ni Royeca ang kanyang plano na isama ang motorsiklo sa pambansang transport plan, lalo’t libu-libong informal workers gaya ng mga tricycle driver, vendor, at freelancer ang umaasa rito para sa kabuhayan.

Muli rin niyang pinagtibay ang paninindigan ng Angkasangga sa pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng informal workers sa Kongreso at pagtugon sa mahahalagang isyu gaya ng pampublikong transportasyon, paglikha ng trabaho, at proteksyon sa mga manggagawa.

Itinutulak ng Angkasangga ang mahahalagang reporma sa paggawa tulad ng paid sick leave, government-mandated benefits para sa informal workers, at accident insurance para sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA).