Advertisers

Advertisers

2 BATA PATAY, 1 GRABE SA BUMAGSAK NA PADER

0 5

Advertisers

NASAWI ang dalawang bata at isa ang malubha nang mabagsakan ng sementong pader na nahagip ng mala-king puno na nabuwal ng malakas na hangin sa isang bakuran sa Barangay Sasa, Davao City nitong Martes ng hapon.

Kinumpirma nitong Miyerkules ng Davao City Police Office at barangay officials sa Sasa ang insidente na nagsanhi sa pagkamatay ng grade school pupils na sina Marcus Romagos Pagal, 7 anyos; at Paul John Dahan Pastera, 10.

Nasa pagamutan pa ang kanilang kasamang si Paula Rhiane Suan, 10, na nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan.



Sa ulat, naglalaro ang mga biktima sa isang bakuran sa Doña Salud sa Barangay Sasa nang humangin ng malakas, sanhi ng pagkabuwal ng isang puno na tumama sa sementong pader na bumagsak sa kanilang kinaroroonan.

Dineklarang dead on arrival si Pagal ng mga doctor sa Southern Philippines Medical Center. Pumanaw naman si Pastera habang ginagamot sa naturang hospital nitong gabi ng Martes.