Advertisers

Advertisers

Wala ka na pag-asa Yilmaz… Ruffa at Bistek lantaran na ang relasyon; Rufa Mae kadiri pag pinili pang makisama sa umayaw nang mister

0 12

Advertisers

Ni Rommel Placente

HINDI biro ang mga pinagdaanang pagsubok ng komedyanang si Rufa Mae Quinto nitong mga nagdaang taon.

Bukod sa paghihiwalay nila ng asawang si Trevor Magallanes ay nadamay pa siya sa isang investment scam kung saan napatunayan namang wala siyang kasalanan.

Sa pagbisita ni Rufa Mae sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin niya na talagang naapektuhan siya sa pagkakasangkot niya sa investment scam na nagdulot sa kanya ng matinding stress na umabot pa sa pagkahimatay niya sa loob ng kanyang hotel room.

Aniya, buti na lang daw at walang masamang nangyari sa kanya nang mangyari ang insidente.

“Mula noon, sabi ko, ‘di na ako puwedeng mag-emote kasi ‘yung anak ko paano siya? Sino ang mag-aalaga sa kanya? Baby pa siya, ‘di ba? Sabi ko, sa sobrang takot, sa sobrang heavy, puwede mo pala ikamatay,” sabi ni Rufa Mae

Ibinalita rin ng aktres na nagdesisyon siyang dito muna uli manirahan sa Pilipinas kasama ang anak na si Athena na isang malaking adjustment para sa bagets.

“Nalulungkot siya. Siyempre, gusto niya makita buo ang pamilya. Ayaw niya umalis ng Amerika. Siyempre, may school na siya doon, doon siya lumaki.

“Parang ‘di pa siya ready lumipat sa Philippines pero siguro sa lahat ng pinagdaanan ko, na-feel niya na dito na lang tayo sa Philippines. Na-feel na rin niya na hirap na hirap na siguro ako.

“Tsaka siguro mas relaxed na ‘ko ngayon. Sure na sure na. May isang bagay na sure ako. dito muna kami,” aniya pa.

Samantala, nagkahiwalay man daw sila ni Trevor ay nananatili pa rin ang respeto nila sa isa’t isa, “Siyempre mahal ko, asawa ko ‘yun eh, ‘di ba? Hanggang ngayon naman asawa ko pa rin naman siya eh. Kaya lang, ayaw na rin niya, so ayaw ko na rin at ginagalang ko ‘yun.

“Kasi mas kadiri naman kung ayaw ko pang tumigil, ‘di ba?” aniya pa.

***

MUKHANG wala nang pag-asa ang ex husband ni Ruffa Gutierrez na si Ylmaz Bektas sakaling umuwi ito ng ‘Pinas at makipagbalikan sa aktres. Dahil obviously inlove na rin si Ruffa sa boyfriend nitong si Herbert Bautista. Lantaran na ngang ipinapakita niya ang pagmamahal niya sa komedyante.

Sa kaniyang TikTok account nitong Martes, May 13, dinaan ng aktres ang kaniyang pagbati sa birthday ng dating Quezon City mayor sa pamamagitan ng cute na compilation videos ng kanilang happy moments.

Sa video makikita ang pagde-date nila sa isang restaurant, panonood ng NBA games, at pagbisita ni Herbert sa bahay nina Ruffa ka-bonding din ang mga aso ng aktres.

Sa caption ng post ni Ruffa sey nito, “One day late but the most unforgettable moments don’t make it to social media.

“Happy birthday, HERBERT CONSTANTINE MACLANG BAUTISTA!”

May 12 ang birthday ni Herbert at 57 years old na siya. Going strong to more than 4 years naman ang kanilang relasyon na nagsimula sa seryeng The House Arrest of Us na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong 2020, panahon ng pandemic.