Advertisers

Advertisers

JUDAY NAGMISTULANG FLOWER SHOP ANG BAHAY

0 7

Advertisers

Ni Beth Gelena

IBINAHAGI ni Judy Ann Santos kung paano niya sinelebreyt ang kanyang 47th birthday last May 11.

Bale double celebration ang nangyari dahil that day din ay Mother’s Day.

Sa kanyang IG Stories, “Celebrated my [birthday] and Mother’s day, just the way I like it.”

“Simple, masaya lang, wala masyadong abala maliban sa sandamakmak na flowers and cakes na nagpaligaya ng husto sa akin. Hanggang ngayon mistulang flower shop ang bahay namin,” wika pa ng Teleserye Queen.

Pinasalamatan ni Juday ang lahat ng nakaalala sa kanyang kaarawan.

“Thank you to everyone who remembered.. ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nyong lahat. Thank you Lord for another year full of blessings and love.”

Ang dami ring bumati sa aktres thru her IG comments section.

“Happy Birthday and Happy Mother’s Day Ate Juday.”

“Happy, happy birthday my super idol. Good health and happiness.”

Maging ang kaibigang si Gladys Reyes ay hindi nakalimot sa special day ng aktres.

Ipinost niya ang snapshots mula sa kanilang get-together kalakip ang nakakaantig na mensahe: “To my forever MARA, my sister from another family, happy birthday and happy Mother’s Day Jud @officialjuday!”

“Salamat at pagkatapos ng mahabang panahon, muli tayong nagkasama kasabay ng mahabang kwentuhan at tawanan! Di man tayo madalas magkita, tulad ng pangako natin sa isa’t isa walang magbabago sa pagmamahalan natin!”

***

Patuloy ang adbokasiya
ARA TANGGAP ANG PAGKATALO SA HALALAN

HINDI pinalad si Ara Mina na makapasok bilang konsehala sa distritong kanyang nasasakupan sa Pasig.

Sport naman na tinanggap ng aktres ang pagkatalo.

Katunayan, taos-puso siyang nagpahayag ng pasasalamat sa Pasigueño kahit natalo sa halalan.

Naglabas ng mensahe si Ara matapos ang kanyang pagkatalo bilang konsehal sa Pasig.

Ipinangako niyang ipagpapatuloy ang adbokasiya para sa mga ina, kabataan, senior citizens at PWD.

Nanindigan ang aktres na ang pagkatalo ay hindi katapusan kundi simula pa lang ng mas masigasig na paglilingkod.

Hindi man pinalad na manalo, buo pa rin ang puso ni Ara sa kanyang layunin para sa serbisyo publiko.

Sa isang emosyonal at taos-pusong mensahe, pinasalamatan niya ang mga Pasigueño sa tiwala at pagmamahal na ipinadama sa kanya sa buong panahon ng kampanya.

“Maraming salamat, Pasig! Hindi man ako pinalad na manalo bilang Konsehal, tagumpay pa rin sa puso ko ang bawat yakap, suporta, at tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin,” saad niya. Para sa aktres na ngayo’y naging aspiring public servant, hindi ang boto ang tunay na sukatan ng tagumpay kundi ang pagkakaisa at tiwalang ipinamalas ng mga tao sa kanyang layunin.

“Ang laban ay hindi natatapos sa halalan. Ito ay simula pa lamang ng mas masigasig kong paglilingkod sa inyo, sa anumang paraan na kaya ko.”

Naniniwala si Ara na sa kabila ng hindi pagkapanalo, mananatili siyang lingkod-bayan sa puso at sa gawa.

“Patuloy kong dadalhin ang boses ng mga ina, kabataan, senior citizens, at mga PWD—dahil sila ang inspirasyon ng aking adhikain,” pahayag pa ni Ara.

Ipinakita ng aktres na ang kanyang layunin ay hindi huminto sa kampanya; bagkus ay bahagi na ito ng kanyang misyon sa buhay.

***

JASON ALIW ANG HIRIT SA COMELEC

NAALIW ang netizens sa request ni Jason Abalos sa Comelec sa nagdaang eleksiyon.

Sa Facebook page ng aktor ay ibinahagi niya ang kanyang larawan mula sa listahan ng official at registered voters sa Comelec.

Iba kasi ang itsura ni Jason dahil bata pa siya at hindi updated ang kuhang larawan.

Ani Jason: “COMELEC Pwede po ba palitan ang picture sa voters ID?”

Dagdag pa niya, “Idol ko po kasi noon si Dirk Nowitzki, suot ko din Dallas jersey naglalaro kami sa plaza naisip ko lang po mag pa register.”

Hirit pa niya, ito raw ang mga panahong wala pa siyang konkretong pangarap sa buhay.

Sa comment section ay makikitang nagbiro pa ang aktor.

“Sana sinabihan tayo na ipopost nila, pinag handaan sana natin.”

Marami naman sa netizens ang naka-relate sa naramdaman ng aktor.

“Ung sa amin, mukha kaming casualties ng Battle of Mactan,” saad ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Kamukha mo pala si Benhur Abalos Jason Abalos.”

“Parang nawawalang member ng The Beatles,” komento naman ng isa.

Ang aktor ay tumatakbong provincial board member ng 2nd district Nueva Ecija.

Base sa partial result ay nasa ikalawang pwesto ang.aktor na may 101,971 habang nasa 1st spot si Dindo Dysico na may 130,218 na boto.

Dati na siyang tumakbo at nanalo bilang board member ng 2nd district ng nabanggit na lalawigan sa ilalim ng PDP-Laban kung saan siya ay nagwagi.