Advertisers

Advertisers

Bebot pinaputukan ng pulis sa away sa parking

0 317

Advertisers

INIIMBESTIGAHAN na ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapaputok ng isang pulis laban sa babaeng kapitbahay dahil sa away sa parking sa Talisay City, Negros Occidental.
Kinilala ang pulis na si Executive Master Sgt. Renzie Lambayog ng Silay City Police Station, ayon kay Police Col. Roger James Brillantes, director ng IAS-Western Visayas.
“Based on our initial investigation, the PNP personnel fired his gun twice during his argument with her female neighbor. Fortunately, no one was hit,” ani Brillantes.
Naganap ang indiscriminate firing 11:00 ng gabi sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Barangay Zone 12A.
Nabatid na sinabihan ng babae ang pulis na ayusin ang pagkaka-park ng sasakyan nito na nakaharang sa daanan patungo sa bahay ng una.
Sa ulat, nang komprontahin ng babae ang pulis, nagpaputok ito ng dalawang beses.
Matatandaang naging kontrobersyal ang walang habas na pamamaril ni Police Staff Sgt. Jonel Nuezca sa mag-inang kapitbahay nito na nagsimula sa pagpapaputok ng ‘boga’ sa Paniqui, Tarlac.