Advertisers

Advertisers

Nasunugan tinulungan ni Bong Go: Uunahin ang pro-poor program sa pagbabalik Senado

0 5

Advertisers

SA kanyang pagbabalik sa Senado, sinabi ni Senator-elect Bong Go sa kanyang pagbisita sa mga nasunugan sa Barangay 106 sa Tondo at Barangay 628,Sta.Mesa,Manila na kanyang uunahin na isulong ang mga batas na makakatulong sa mga mahihirap.

Isa rito ang expanded free tertiary education bill kung saan dati nang napirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018 at kanilang ipinaglaban para maisabatas.

Ayon sa senador, nais niya itong mapalawak para may choices o pagpipilian ang mga kabataan.



Dapat din aniyang maisabatas ang Philippine National Teams para magkaroon ng mini olympics sa ating bansa kada dalawang taon.

Bilang isang chairman ng sports, sinabi ni Sen.Go na isa ito sa paraan na ilayo ang mga kabataan sa iligal na droga , masasamang bisyo upang maging healthy at fit.



“Kapag mayroong tournament tulad nito dyan natin madidiskubre ang magiging future olympian natin,” saad ng number one senador.

Dapat aniyang suportahan ang ating mga atleta lalo na’t nasungkit ng Pilipinas ang kauna-unahang ginto noong 2019 para sa 2020 Tokyo Olympics habang nakadalawang ginto rin sa 2024 Paris Olympics.



Giit ng senador, uunahin niya ang mga batas na pro-poor program.

“Gusto ko iinstitutionalized yung mga tulong , mga ayuda na yan– dapat hindi pulitiko ang mamimili ng tutulungan”, giit pa ni Sen. Go.

Si Sen. Go ay kilala nang bumababa sa laylayan, sa mga mahihirap at sa mga nasusunugan upang magpaabot ng tulong para makabangon muli.

Sa Brgy.106, umabot sa 100 pamilya ang nasunugan gayundin sa Brgy. 628 kung saan mayroong dalawang batang nasawi.

Umagapay din sa Office of Senator Bong Go ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagpaabot ng financial assistance sa bawat pamilyang nasunugan. (Jocelyn Domenden)