Advertisers

Advertisers

Higit 100 driving school sinuspinde

0 20

Advertisers

Nabatid sa Land Transportation Office (LTO) na mahigit 100 driving school ang sinuspinde sa nakalipas na dalawang linggo dahil sa iba’t-ibang paglabag, nitong Huwebes.

Nahuhuli, na-audit trail namin ‘yan sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa,” sabi ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II sa press conference.

Kaugnay nito nilinaw ng LTO ang 10 bus driver, 8 conductor’ licenses matapos magpositibo sa drug test.

Inilabas ang show cause order laban sa may-ari ng trak sa banggaan ng Atimonan, Quezon.

Ang mga sinuspinde na driving school matatagpuan sa Central Luzon, Calabarzon, at Metro Manila.

Samantala sinabi ni Mendoza, ang karaniwang paglabag ang no-show o hindi pagsunod sa tamang theoretical driver’s training.

Naglabas na ng show cause order ang mga driving school na ito para ipaliwanag ang kanilang panig, dagdag ni Mendoza.

Samantala, sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na ang Department of Transportation (DOTr) ngayong linggo nagkaroon ng pagpupulong sa mga concerned groups para pag-usapan ang mga rekomendasyon para sa road safety. (Boy Celario)