Advertisers

Advertisers

Akihiro type balikan ang panahon ng dinosaurs

0 36

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

TUNGKOL sa time travel ang pelikulang Isang Komedya Sa Langit; kaya natanong ang isa sa mga artista sa pelikula na si Aki Blanco, kung mabibgyan siya ng pagkakataon na maglakbay sa nakalipas na panahon, saan siya pupunta?

“Siguro po ako kung magta-time travel gusto ko po sa panahon ng mga dinosaurs,” ang bulalas ni Aki.



“Gusto ko silang makita pero nakakatuwa kasi iyon, mahilig ako sa mga dinosaur, nanonood ako ng mga Jurassic Park films.

“Kasi nakakatuwa sa movie ko lang sila nakikita or sa games, hindi mo sila nakikita ng aktwal.



“Pero yung may powers ka lang, kapag nakita ko na sila, babalik na ako sa present time.”

Bukod kay Aki ay nasa pelikula bilang mga bida sina Jaime Fabregas, EA Guzman, Gene Padilla at Carmi Martin.



Ano ba ang natutunan ni Aki sa mga kasamahan niyang artista sa Isang Komedya sa Langit?

“Si Tito Jaime sabay kaming pumupunta sa mga location, sa set po, e. Kasi minsan ang location namin walang parking kaya hindi kami lahat nagdadala ng kotse, sumasabay po siya sa kotse ko.

“And then siguro yung the best po dito yung bonding po namin sa set. Kami nina EA, nina tito Gene, Ms. Carmi, tito Jaime kasi nagiging comfortable po ako.

“Ganun yung bonding namin para pag dumating na po yung eksena namin, mas lalong relaxed kami at nagagawa namin yung scenes na mas maayos, yung character namin, mas nagagampanan po namin ng tama,” pahayag pa ni Aki.

Si Carmi ang madalas niyang kaeksena sa pelikula.

“Siya yung lola ko po dito,” sinabi ni Aki.

“Ayun siyempre first day kinabahan po ako kasi si tito Jaime, si Ms. Carmi makaka-work ko po, and siyempre sina tito Gene, EA, first time ko po silang maka-work.

“And nung mga araw na yun hindi ako makatulog,” pag-amin ni Aki, “kasi sila yung mga makakatrabaho ko.”

Ang Isang Komedya Sa Langit ay sa panulat at produksyon ni Rossana Hwang ng Kapitana Entertainment Media.

Sa direksyon ni Roi Paolo Calilong, mapapanood ang Isang Komedya sa Langit ngayong May 28 sa mga sumusunod na SM cinemas; ng SM North Edsa, SM Cebu, SM Southmall, SM Fairview, SM Manila, SM Davao, SM Mall Of Asia, SM Marikina, SM Aura Premier, SM Seaside Cebu, SM Megamall, SM Grand Central, SM Clark, SM Dasmariñas at sa Greenhills Theater.