Advertisers

Advertisers

Kinabog na si Luis… Robi pinakyaw ang shows sa ABS-CBN

0 37

Advertisers

Ni Archie Liao

MARAMI ang nag-react sa pag-aanunsyo ng Kapamilya network na si Robi Domingo ang premier host ng “Idol Kids Philippines” na malapit nang mapanood sa susunod na buwan.

Kasama niyang magiging co-host ng show ang ‘90s Pop Icon na si Jolina Magdangal.

Of course, another blessing ito para kay Robi dahil hindi pa natatapos ang “Pilipinas Got Talent” ay meron nang nakalinyang trabaho para sa kanya.

Idagdag pa riyan ang pagiging host niya ng nagwakas na “Time To Dance” at ng Pinoy TV reality competition show na “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”

Paminsan-minsan ay nag-aapir din siya bilang guest host sa Sunday noontime musical variety show na “ASAP Natin ‘To.”

Bagama’t may mga natuwa kay Robi dahil feeling nila ay deserved nito ang bagong hosting job, marami rin naman ang nang-okray sa TV host.

Hirit ng ilang nagmamaldita, pinakyaw na raw ng TV host ang halos lahat ng shows ng ABS-CBN.

May mga nang-iintriga pa na panes daw si Luis Manzano sa pagiging in-demand ni Robi pagdating sa paramihan ng hosting chores.

Ito ang ilan sa kanilang mga hanash.

“Ano ba naman, ABS?Wala na ba talagang ibang host. Nakaka 4 na reality shows this year at sabay sabay na umeere pa.”

“Kinabog si Luis.”’

“Si Luis kasi pinasok pa ang pulitika. Dami niyang pinakawalang pagkakataon.”

“Honestly, I would’ve thought by now may tiwala na sila kay Edward to host one of these franchises after all the hosting work he’s done. Darren and Kyle could’ve been in consideration pero they’re associated sa The Voice franchise na nasa GMA na.”

“don’t get this. Seems like okay naman siya as a host. I prefer him kesa si Lucky Manzano or Billy Crawford ang nandiyan, lol.”
“Yes, he’s okay pero nakakaumay na. ??”

“Bigyan naman ng chance iyong iba like Emilio Daez or Edward Barber.”
“Sana mabigyan din ng chance si Donny to host a franchise show.””

“This is Robi’s year!!! ??”
“Sana give chance to others naman lol”
“wala na ba talagang iba..!? ??”

“Luis’ loss is Robi’s gain.”