Advertisers
TUTOK at nakapokus si KAI SOTTO sa ultimate dream na maging first ever full-blooded Pilipino na papasok sa NATIONAL BASKETBALL ASSOCIATION (NBA) bilang legitimate cager ng pamosong foreign professional league. At age 23, marami na rin naman ang hirap at tiyaga sa pagpapalakas at pagpapakahusay ng 7’3 young cager. Mula sa pagiging bubot, mukhang umaani na ng paghanga sa ,ga kapwa basketbolista si KAI bukod sa milyones nitong followers sa kanyanf karera.
Recently, nagpahayag sa isang interview si JEREMY SOCHAN, first forward ng SAN NTONIO SPURS, “ I think he has all the abilities to make it to the NBA. He has all the physical abilities and even the skill abilities to make it. It’s up to him to keep working, to keep pushing and keep growing his game”
Syempre, maraming natuwa sa komento ng foreign cager, to think na may ilang kapwa Pinoy na hirit ang bashing sa social media sa hlip na suportahan ang ating pambato sa GILAS PILIPINAS na nagdala ng mga panalo hanggang makakuha ng injury nang pilitin balyahin ng kalaban sa GILAS games. Siya kasi ang front man na mahirap banggain sa kanyang all-around moves. O, di po ba, kahit ang ating champion at winningest coach sa history ng top pro league PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION PBA), Coach TIM CONE ay una nang nagpahayag ng tiwala at suporta sa mataas na potential ni KAI aka KAIJU. By the way, matapos ang ilang panahon ng pagpapagaling sa injury, balik si KAIJU sa GILAS para sa FIBA ASIA CUP CHAMPIONSHIP., lalaro na kaya? Abangan po natin!
KAIJU, HINDI PAPASOK SA SHOWBIZ?
DAHIL maraming showbiz personalities ang nagiging partner ng top Pinoy cagers natin, at nagiging kontrobersyal pa minsan, tulad ng nangyari kay KOBE PARAS kamakailan na pinagpipiyestahan pa rin sa socmed, Konting throwback po, nagpahinga o nag-lie low si KOBE sa basketbol kahit sinabing ito ang priority o true love niya, hindi naiwasang na-link ito kay KYLINE ALCANTARA na kasamahan sa showbiz ng dad niyang kilala bilang SHELL starcager BENJIE PARAS, at kuya niyang cager din, si ANDREI. Umpisa pa lang ay nagbigay na ng remarks si KOBE na wala silang relasyon, ‘close friends only’, later, nagkarelasyon na, reportedly.
Sa aming pananaw, pwedeng subok lang yun, if papatok sa showbiz si KOBE sa team up with KYLINE at baka pwede na siyang umentra to think na artista rin ng mom niyang si JACKIE FORSTER, bago pa nagshowbiz sina BENJIE at ANDREI. Remember, di makapasok sa NBA si KOBE na unang sumubok kaysa kay KAIJU. Well then, balik-basketbol si KOBE syempre, kaya tigilan na ang mga intriga related sa break-up kuno with KYLINE. Kanya-kanyang opinyon lang.
Napapaisip lang po kami, wala sanang maging kontrobersya ngayong may showbiz girlfriend na si KAIJU na mukhang hindi naman kakambyo sa showbiz over his ultimate NBA dream. Magandang partnership ang nakikita ng netizens following the KAI SOTTO-RERE MADTRID romance, bagay na bagay nga ba ang GILAS pride at actress/model na younger sis ni KAPUSO star RURU MADRID? Very visible ang magdyowa sa modelling and basketbol events displaying sweetness from their over-a- year journey as lovers and basketball lovers. HAPPY READING!