Advertisers
ISANG pulis ang napatay sa pamamaril madaling araw nitong Martes sa Isulan, Sultan Kudarat, pangalawang pulis na pinaslang sa Central Mindanao sa loob lang ng 16 oras.
Naglalakad si Police Sgt. Geoffrey Angub sa gilid ng highway sa Barangay Ka-lawag 2 sa Isulan, ang kabisera ng Sultan Kudarat, nang lapitan ng gunman na nakilalang si Vincent Dalanon at agad pinagbabaril ng pistol.
Sa ulat ni Lt. Colonel Julius Malcontento, Isulan Police chief, kinumpirma ng mga saksi sa insidente na si Dalanon ang nakapatay kay Angub, na mabilis na nakatakas.
Ang pagpatay ni Dalanon kay Angub ay naganap eksaktong 16 oras nang mapatay sa katulad na pamamaril, tanghali ng Lunes sa Barangay Tonggol, Datu Montawal, Maguindanao del Sur, si Patrolman Patrolman Jomar Madaliday Kalantungan.
Nasa isang bakery sa Barangay Tonggol si Kalantungan nang lapitan ng isang lalaki at agad siyang pinaputukan ng ilang beses. Mabilis na nakatakas ang salarin.