Advertisers

Advertisers

Trak dumayb sa bangin: 5 patay, 5 grabe

0 22

Advertisers

Patay ng limang construction workers na sakay ng isang dump truck na bumulusok sa bangin sa Barangay Pichon sa Caraga, Davao Oriental nitong Miyerkules ng umaga, May 28, 2025.



Lima pang construction workers na sakay din ng naaksidenteng dump truck ang isinugod sa isang hospital, lahat may maselang mga sugat, pasa at nabalian ng mga buto.

Sa mga hiwalay na ulat ng mga local officials at ng Caraga Municipal Police Station, patungo sana sa isang construction site ang mga biktima, sakay ng dump truck na biglang nawalan ng preno kaya bumulusok, gumulong ng ilang beses bago lumagpak sa malalim na bangin sa gilid ng highway sa Purok Panlaisan sa Barangay Pichon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">