Advertisers

Advertisers

Bagong halal na konsehal tinodas

0 23

Advertisers

Patay on the spot ang isang bagong nahalal na municipal councilor nang pagbabarilin sa tapat ng kanyang tahanan sa Datu Piang, Maguindanao del Sur nitong Miyerkules ng hapon.

Kinumpirma ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pagkasawi sa naturang insidente ni Thong Mamasalanao Asim, 56-anyos, na nahalal na municipal councilor ng Datu Piang nito lang May 12, 2025 elections.

Mabilis na nakatakas ang mga pumatay kay Asim, ayon sa ulat ng Datu Piang Municipal Police Station.



Inaalam pa ng mga local officials at ng mga imbestigador ng municipal police kung may kaugnayan sa pulitika, o resulta ng hidwaan ng biktima at ng mga salarin ang naturang krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">