Advertisers

Advertisers

Teves ipinatatapon na ng Timor-Leste pabalik sa Pinas

0 26

Advertisers

Pababalikin na sa Pilipinas ng pamahalaang Timor-Leste si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. dahil sa kawalan ng balidong visa at legal na awtorisasyon para manatili sa isang bansa.

Sinabi ng tagapagsalita ng Timor-Leste na “effective immediately” ang desisyon ng kanilang pamahalaan.

“Ipinapaalam ng Gobyerno na si Arnolfo Teves Jr. ay ipapatapon mula sa Timor-Leste sa pamamagitan ng administratibong desisyon ng Ministry ng Panloob, dahil nasa bansa siya na walang balidong visa, walang legal na awtorisasyon upang manatili, at may hawak na pasaporte na kinansela ng Pamahalaan ng Pilipinas,” sabi ng pahayag.

Sinabi ng gobyerno ng Timor-Leste na ang desisyon ay batay sa kanilang batas hinggil sa migration at asylum.

Iginiit ng Timor-Leste na ang patuloy na pananatili ni Teves sa kanilang bansa maaaring maging banta sa kanilang kaayusan at pambansang seguridad.

“Ang kanyang pinalawig na pananatili sa Timor-Leste sa loob ng higit sa dalawang taon nagdudulot ng isang nakakagambalang salik sa bilateral na relasyon sa pagitan ng dalawang Estado at nagtatatag ng isang seryosong precedent na may potensyal na implikasyon para sa panloob na seguridad,” sabi ng gobyerno ng Timor-Leste.

Pumalag din ang kanilang pamahalaan sa posibleng tingin sa kanilang bansa na nagiging kanlungan ng mga pugante. Sinabi ng gobyerno ng Timor-Leste na kaisa sila sa paglaban sa transnational crime.

“Ang napipintong ganap na pagpasok ng Timor-Leste sa ASEAN, na naka-iskedyul para sa Oktubre sa taong ito, at higit na nagpapatibay sa responsibilidad ng Estado ng Timor na aktibong makipagtulungan sa mga katuwang nito sa rehiyon sa pagtataguyod ng katarungan, legalidad, at katatagan sa rehiyon,” dagdag ng gobyerno ng Timor-Leste.