Advertisers

Advertisers

Demonyong ina: 6 anak pinag-live show

0 26

Advertisers

Arestado ang isang ina sa pagsalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa aktong isinasalang sa live sexual show ang mga menor-de-edad na anak, kapalit ng dolyar sa Bombon, Camarines Sur, noong Martes.



Agad na nasagip ang anim na menor-de-edad na anak ng suspek na ang pinakamatanda 17-anyos habang 2-taong gulang ang pinakabata. Nasa kustodiya na ito ng Department of Social Welfare and Development sa Camarines Sur.

Ayon kay NBI Deputy Director at spokesperson Ferdinand Lavin, nahaharap sa reklamong paglabag sa Section 4(c) ng Republic Act No. 11930 (Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act) na may kaugnayan sa Section 6 ng Republic Act No. 10175, (Cybercrime Act 10175) ang pinangalanang Act 10175.

Nabatid na nakatanggap si NBI Director Judge Jaime Santiago ng referral mula sa US Department of Homeland Security-Homeland Security Investigation Team sa Maynila na may Filipino citizen na nag-aalok sa online ng child sexual abuse materials (CSAEM).

Pinakilos ni Santiago ang NBI-Violence Against Women and Children Division at tinungo ang lugar na bitbit ang search warrant laban sa suspek na nahuhuli sa pag-aresto.

Naabutan pa ang suspek na nagsimula nang isalang sa camera para sa online live show ang mga bata na pawang nakahubad.

Apat na umano sa mga anak ng suspek ang may mga larawan na naibenta online sa mga parokyano sa Estados Unidos.