Advertisers
Isinampa ng DOJ sa Mandaue City RTC ang kasong paglabag sa Republic Act 11479 o Anti-Terrorism Act na kaugnay sa Cybercrime Prevention Act.
Matapos ang inquest investigation, kumbinsido ang mga piskal na may prima facie evidence para sa kasuhan si Maningo.
Walang inirekomendang piyansa ang piskalya.
Nakasaad sa impormasyong isinampa sa korte, ipinost umano ng akusado sa kanyang Facebook account na may P10 milyong pabuya sa makapapatay kina Comelec Commissioner George Erwin Garcia, Cebu Gov. Gwendolyn Garcia at Cebu City Mayor Raymond Garcia.
Batay sa kanyang post, mayroon ding umanong P5 milyong reward sa sinumang makapagbobomba sa anumang Comelec sites.
Nakasaad sa DOJ resolution na layon ng post umano ni Maningo na magkalat ng takot at pangamba.