Advertisers

Advertisers

Van inararo ilang sasakyan: 3 patay

0 26

Advertisers

NASAWI ang tatlo katao nang mawalan ng kontrol ang isang closed van at bumangga sa ilang sasakyan sa Bokawkan Road, Baguio City, Huwebes ng madaling araw, Mayo 29.

Ayon sa pulisya, mabilis at nagpagewang-gewang ang van habang pababa ng kalsada bago nito binangga ang isang utility vehicle at ilang nakaparadang sasakyan.

Patay ang driver at dalawang pahinante na naipit sa loob ng van.



Hindi lasing ang driver at posibleng human error ang dahilan ng aksidente, ayon sa pulisya.

Nasa ospital ngayon ang driver ng una nilang nabanggang sasakyan at patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">