Advertisers
Ni MERCY LEJARDE
MAGIGINGmasaya ang mga pet lover tulad nila Carla Abellana at Heart Evangelista sa sinimulan ng UNLEASH HQ ang UNLEASH Pawscars Short Film Festival Media Con & Jury Signing noong Mayo 27, 2025.
Ang mga hurado ay sina Direk Joseph Abello, Direk Arvin Belarmino, at Direk Jose Javier Reyes.
Ipinagdiriwang ng UNLEASH ang makapangyarihang ugnayan ng mga alagang hayop at ng kanilang mga tao sa pamamagitan ng mahika ng pelikula.
Ito ang malaking anunsyo para sa mga mahilig sa pelikula at mga fur-parents!
Ihahanda na namin ang red carpet (at baka pati na rin ang ilang chew toys) para sa walang iba kundi ang Chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), Direk Jose Javier “Joey” Reyes — isang haligi ng industriya, multi-awarded filmmaker, screenwriter, at mentor — bilang HEAD OF JURY ng UNLEASH Pawscars Short Film Festival 2025!
May mahigit 40 pelikula at napakaraming TV script sa kanyang pangalan, si Direk Joey ay isa sa mga pinaka-minamahal na boses sa pelikulang Pilipino.
Ngayon, ibinabahagi niya ang kanyang husay sa pagkukuwento upang matulungan kaming hanapin ang pinaka-kakaibang pelikula na naglalarawan ng kwento ng tao at alaga.
Sumali sa Unleash Pawscars Short Film Festival 2025.
Bukas ito sa lahat ng filmmakers, storytellers, at mga pet lovers sa buong bansa.
I-submit ang iyong short film at magkaroon ng pagkakataong manalo ng premyo, pagkilala, at mahusgahan ng ilan sa pinakarespetadong creative minds (at pet lovers) sa bansa!
Kung ikaw man ay nasa likod ng kamera o simpleng mahilig sa mga nakakaantig na pelikulang tungkol sa alaga — ang festival na ito ay para sa iyo. Ihanda na ang sarili para sa isang film festival na tiyak magpapatahol, magpapamiyaw at tatagos sa puso!
Ang tema Ng “Unleash the Love” — naghahanap ng short films (10–20 minuto) na nagpapakita ng puso, gulo, at saya na dala ng mga alaga sa ating buhay.
Bukas sa lahat ng Pilipino saan mang panig ng mundo.
Anumang genre, anumang wika (lagyan lang ng English subtitles!).
Submission period: Mayo 16 – Agosto 31, 2025
Awards Night: Disyembre 14, 2025
Mahigit P300,000 na halaga ng premyo at pagkakataong ma-feature sa UNLEASH app at social media.
***
NAKAKATAWA ang facial expressions ni Derek Ramsay sa post nito sa Instagram kamakailan lang. Pinakikita kasi sa video na nilalagyan ni Derek ng sunblock si Ellen Adarna at nakangiti ng bonggang bongga. At may caption lang naman ng baby number 2!
At nag comment naman si Maria Elena Adarna ng “Lol No.”
May kakaiba talagang karisma ang pagsasama nina Ellen at Derek. Nung naguumpisa palang ang relasyon nila ay madami na ang nanghuhula na maghihiwalay din kagad ang dalawa pero umabot na rin ang kanilang relasyon ng apat na taon at halatang masaya pa rin sila sa isa’t isa at going strong pa rin at mukhang walang pagbabago sa harutan nila.
Naalala tuloy ni yours truly ang tanong namin kay Derek sa isang preskon.
Simple lang naman, ang tanong ay kung may love scenes ba sa kanyang mga pelikulang ginawa ay nagkakaroon ba siya ng masturbation?
Na ikinahalakhak ni Derek. At sinagot naman niya ng pinaghahandaan at pinag-aralan niya naman daw ang bawat eksena bago niya gawin.
Napakagaling Kasi ni Derek sa bawat love scenes na ginagawa niya sa true lang.
Paano pa kaya sa true life. Well ask nalang natin si Elen insert smiley.
Subalit mukhang hindi nagtagumpay si Derek sa pagpaparinig nito kay Ellen sa Instagram dahil nga ang naging sagot ni Ellen ay “No.”
Madami naman ang netizens na nag react at may mga kinilig pa at sinabing “Go go go!”. “When you find your match talaga, being happy is effortless “. At may mga nag request pa na wag lang number 2 dapat daw ay damihan pa dahil maganda at gwapo naman daw kaya go go go.
May nakapansin din na bakit daw baby number 2 at hindi naisama sa bilang si Elias, hindi raw ba part ng family si Elias?
Kasi naman po si Elias ay anak ng magaling na actor na si John Lloyd Cruz Kay Ellen. At si Lili naman ang anak ng gwapong actor na si Derek kay Ellen. Kaya tama lang na baby number 2 ang hilingin ni Derek pero take note mahal at inaalagaan din ni Derek si Elias devah naman Ellen?
Sana lang dumating din ang panahon na makahanap din si John Lloyd Cruz ng perfect match niya para maging effortless din ang pagiging masaya nito dahil deserve ni John Lloyd ang maging masaya dahil mabuting ama at anak si John Lloyd sa true lang din.