Advertisers
Isinagawa ang COURTESY RESIGNATION sa mga CABINET OFFICIAL bilang bahagi ng BALASAHAN upang mapili ang mga tunay na katuwang sa kasalukuyang administrasyon ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.., subalit tila barahang “ALAS” si HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ kaya hindi itinatapon na base sa pananaw ng maraming mamamayan ay dapat kabilang si HOUSE SPEAKER sa balasahan para masabing lehitimo ang pagbuo ng magandang kombinasyong magpapanalo sa laban ng administrasyon.
Sa pansarili ko pong obserbasyon ay indikasyon nang pagkadismaya ni PRES. MARCOS ang naging resulta nitong MIDTERM ELECTION kaya nag-uutos ito ng BALASAHAN sa kaniyang CABINET MEMBERS.., pero ganap na ba itong solusyon sa pagsadsad ng grado ng administrasyon.., maibabalik na ba ang PAPYULARIDAD ni PBBM?
Sa punto ng ARYA ay tila hindi pa rin ito sapat o solusyon sa bumubulusok na imahe ni PBBM.., na kung hihimayin ang sanhi sa pagbagsak ng approval rating ay nagsimula noong umusbong ang hidwaan sa pagitan nina SPEAKER ROMUALDEZ at VICE PRESIDENT SARA DUTERTE hinggil sa isyung ikukudeta ang LIDERATO ni ROMUALDEZ na ang ipapalit ay si PAMPANGA REP. at FORMER PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL ARROYO.., na posibleng mangyari tulad sa pagkakapatalsik kay FORMER HOUSE SPEAKRER DAVAO REP. PANTALEON ALVAREZ noong 2018 sa maniobrasyon ni VP SARA.
Bunsod sa mga hindi pagkakaintindihan ay nagsimula na ang panggigiba kay VP SARA.., lumikha ng tension sa pagtapyas ng CONGRESS sa budget ng OFFICE OF THE VICE PRESIDENT at sa pagpapatalsik bilang EDUCATION SECRETARY dahil sa isyu ng INTELLIGENCE at CONFIDENTIAL FUNDS hanggang sa paghahain ng IMPEACHMENT.
Noong Enero 2024 pa lamang ay umalma na si VP SARA dahil sa pang-aatake sa kaniya ni ROMUALDEZ gayong bahagi naman ito ng administrasyon.
Humantong pa sa pagpapahintulot ng gobyerno sa pagpapaaresto kay FORMER PRESIDENT RODRIGO DUTERTE at dinala sa THE HAGUE upang harapin ang kaso sa INTERNATIONAL CRIMINAL COURT (ICC).
Sa ginawang pamumulso ng SURVEY FIRMS sa opinyon ng taumbayan sa pagpaparesto kay DUTERTE ay 58% ang nagsabing tutol sila.., na pinakamalakas ang pagtutol sa MINDANAO na nasa
96%, 60% sa VUSAYAS, 42% sa LUZON at 38 % sa METRO MANILA.
Ang pagpapaaresto kay DUTERTE at ang IMPEACHMENT laban kay VP SARA ang itinuturong dahilan ni BAGONG ALYANSA PARA SA BAGONG PILIPINAS CAMPAIGN MANAGER TOBY TIANGCO na siyang masamang epekto sa election chances ng mga kandidato ng administrayon.
Bago ang tensyon ay parehong mataas ang APPROVAL RATING ng PRESIDENT at VICE PRESIDENT.., kaya naman ang malaking tanong ay sino ang naghahatak pababa kay PRES. MARCOS.., ang kanyang CABINET OFFICIALS ba o si ROMUALDEZ?
Ang nais makita ng taumbayan ay ang UNITEAM na sya nilang ipinanalo noong 2022 PRESIDENTIAL ELECTION, ngunit paano ang “UNITY” kung patuloy ang pag-atake.
Si PRES. MARCOS ay nagpahayag na ng intensyon na handa itong makipagbati sa mga DUTERTE at ilan beses na rin ang pagsasabi na ayaw nya sa impeachment.
Sa Hunyo 11 ay sisimulan na ng SENATE ang IMPEACHMENT TRIAL laban kay VP SARA.., na Ito ang maituturing na “HULING BARAHA” ni ROMUALDEZ..
Unang naging taktika ng CONGRESS para pilayin ang mga DUTERTE ay pagtapyas sa pondo ng OVP at maging sa DAVAO CITY, ikalawa ay pagtanggal sa gabinete kay VP SARA at political isolation.., pag-alis sa mga kaalyado at pagturn-over kay FORMER PRES. DUTERTE sa ICC.
Ang kagustuhan ni ROMUALDEZ ay tuluyang alisin sa POLITICAL EQUATION si VP SARA… na ang sinasabing dahilan diumano ay ang sariling ambisyon nyang maging PRESIDENT sa 2028!
Mgaka-ARYA.., nabigo na ang administrasyon na ipanalo ang mayorya ng kanilang SENATORIAL LINEUP at tuloy na rin ang IMPEACHMENT TRIAL.., e ngayon palang ay dapat malaman ni PBBM ang tunay na problema sa kanyang administrasyon.., na mainam kung iba na ang HOUSE SPEAKER sa 20th CONGRESS upang sakaling mabigo ang impeachment ay hindi maapektuhan si PRES. MARCOS dahil noon pa man ay ayaw na nya sa IMPEACHMENT!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.