Advertisers

Advertisers

CAINTA MAYOR NIETO, WINALIS ANG MGA KUBOL NA TAGUAN NG SNATCHER AT MANDARAMDONG SA ILALIM NG TULAY!

0 30

Advertisers

TULUYANG winasak ni Cainta Mayor Kit Nieto at mga tauhan ng lokal na pamahalaan ang mga kubol na kuta ng mga snatcher at madarambong sa ilalim ng tulay sa Ortigas Cainta.

Anya, matagal nang problema ang mga squatters at indibidwal sa lugar na nagdudulot umano ng panganib o problema sa mga residente.

Paniwala ng alkalde ang sandamakmak na kubol sa ilalim ng tulay ang nagsisilbing taguan ng mga snatcher pagnanakaw ng mga kable ng kuryente sa Junction Cainta.

Dagdag pa ng alkalde, sa lugar binabalatan ng mga magnanakaw at saka ibinibenta ang tanso sa mga junkshop.

Matapos ang 3 araw na palugit, bumalik ang clean up team para baklasin ang mga kubol at linisin ang lugar.

Nabigyan naman ng lote sa housing project ng lokal na pamahalaan na Balanai Community ang ilan sa residenteng inalis sa ilalim ng tulay.

May ilang pinasundo sa mga kamag-anak sa Marikina at Taytay, habang ang natitirang apat ay dinala sa shelter ng LGU para bigyan ng pagkakataong magdesisyon sa kanilang kinabukasan.

Magtatalaga din ang alkade ng regular na magbabantay at patrolya sa lugar para tiyakin na hindi na babalik ang mga squatters.

Anya pa, tatlo pang tulay sa bayan ang susunod na lilinisin sa mga susunod na araw.

Nagpasalamat din ang alkalde sa agarang tulong ni Dollar Gacilong Team Comanches at barangay Sto. Domingo sa operasyon. (Edwin Moreno)